Isang buwan bago ang Pasko ay tumaas na ang presyo ng ilang grocery items, kasama na ang hamon, na tradisyunal nang inihahain tuwing Noche Buena.

Ayon sa Philippine Amalgamated Supermarkets Association, Inc. at sa Department of Trade and Industry (DTI), ilang brands ng processed meat products at sandwich spread ang nagtaas na ng hanggang 10 porsiyento sa kanilang presyo.

Nasa 10% din ang itinaas sa presyo ng hamon, habang ang ilang snack foods ay tumaas ng hanggang 12%. Nagkaroon na rin ng kaunting paggalaw sa presyo ng all-purpose cream, tomato sauce, at spaghetti noodles.

Sinabi naman ni Philippine Amalgamated Supermarkets Association Inc. President Steven Cua na posibleng hindi na tumaas ang presyo ng grocery items sa Disyembre.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Aniya, sapat naman ang supply ng mga Noche Buena products hanggang sa Pasko. Sa Disyembre, maglalabas ng bagong listahan ng suggested retail price (SRP) ng mga pangunahing bilihin ang DTI.

-Beth Camia