IDINAOS kamakailan ng Department of Agriculture-Bureau of Agricultural Research (DA-BAR) ang unang Mindanao Community-Based Participatory Action Research (CPAR) cum TecnoCom Forum at Product Exhibition, na nagtampok sa mga teknolohiya na likha at binuo ng mga Research & Development (R&D) institutions.

Dinaluhan ng delegado buhat sa anim na rehiyon, layunin ng Kongreso na maibigay ang mga “localized approach” na may kinalaman sa mga magsasaka, mangingisda at mga stakeholders sa Mindanao sa pagsusulong ng teknolohiya at pagpapakalat sa agrikultura at pangingisda.

Ibinahagi ni DA Undersecretary for Administration and Finance Francisco Villano na iminamarka ng Kongreso ang pagsisikap ng DA, upang mapalakas ang sektor ng agrikultura, hindi lamang sa Mindanao kundi sa buong bansa bilang pangkalahatan. “CPAR is invaluable in our initiatives to reach out to our target communities by providing relevant agri-related information to our farmers.

This is the reason why we work tirelessly to assist you in increasing your productivity by providing the necessary services, facilities, and technologies,” dagdag ni Villano. Ayon kay Villano, kinikilala ng mga CPAR farmer-beneficiaries ang kahalagahan ng mga teknolohiya sa kanilang operasyon, na kalaunan ay magdudulot ng mas malaking produksiyon at mataas na kita. “CPAR is vital in our bid to address poverty especially in the countryside where agriculture, the sector where we all belong, plays a vital role,” ani Villano. Samantala, iniulat ni Digna Sandoval, DA-BAR Assistant Director, na sinuportahan ng kanyang ahensiya ang nasa 87 CPAR proyekto sa Mindanao sa 219 na lugar.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Dagdag pa ni Sandoval, nakapagtatag na ng mga proyektong ito ng nasa 4,995 magsasaka habang natulungan ang nasa 141 organisasyon ng magsasaka. “CPAR serves as the entry point of National Technology Commercialization Program (NTCP) wherein it serves as on-farm technology demonstration and assessment arena for potentially suitable technologies for the communities,” sambit ni Sandoval.

Bahagi rin ng dalawang araw na kongreso ang plenary presentation para sa mga estratehiya sa pagbebenta; entrepreneurship at product packaging at labeling.

PNA