THANKFUL ang bumubuo ng AlDub Nation (ADN), ang loyal fans club nina Alden Richard at Maine Mendoza, sa pangatlong taon ng kanilang selebrasyon na tinawag n i l a n g “Timeless” dahil hindi sila binigo ng magkalove team na dumalo sa event, sa Palacio de Manila, Roxas Blvd., Manila nitong Linggo. Full-packed ang venue ng fans na mula pa sa iba’t ibang lugar at may ilang balikbayan na nakisaya rin sa kanila.
Isa munang Holy Mass of thanksgiving ang isinagawa at pagkatapos, the priest prayed over Alden and Maine. Nagkaroon ng maikling programa kung saan nagtanghal ang isa sa bumubuo ng Broadway Boys, si Joshua Lumibao. Kinanta niya ang Perfect na aniya ay isinulat niya para kay Maine.
Nag-duet din sila ni Dominique Casacop ng Music Hero na tumugtog naman ng violin. Naroon din si Ethan Moses Gozun, ang limang taong gulang na grand winner ng “Hype Kang Bata Ka” contest ng Eat Bulaga, na tumugtog ng drums habang kumakanta naman ang mommy niya.
Tuwang-tuwa sina Maine at Alden dahil pareho nilang paborito ang bagets nang sumali sa contest. Bago ang group picture with Alden and Maine, nagbigay muna ng mensahe ang dalawa bilang pasasalamat sa fans. “Salamat sa pagdalo ninyo sa gabing ito,” sabi ni Maine. “Gusto kong i-take ang pagkakataong ito para sabihin sa inyo na mahal po namin kayo.Kasi h i n d i n a m i n maintindihan k u n g b a k i t laging maraming n a g d u d u d a k a p a g m a y m g a nangyayari.
Kaya sana huwag ninyong kalimutan iyon kasi totoo po talaga iyon. “Sobrang grateful po kami talaga ni Alden sa suporta ninyo sa amin, sa walang sawa ninyong pagsuporta at pagmamahal sa amin, kaya maramingmaraming salamat sa lahat lalung-lalo na iyong mga sumusuporta sa career namin at personal na buhay.
Ayun, maraming salamat po.” Mensahe naman ni Alden: “Ang masasabi po naman namin ni Maine, ang AlDub Nation ay nag-evolve na, marami nang naging mature, naging open-minded sa mga nangyayari at itong event na ito, this goes to show na kahit ano pa mang pinagdaanan natin, basta sama-sama, buo pa rin ang AlDub Nation, kaya intact tayo dahil sa isang purpose, iyong pagtulong sa mga nangangailangan.
So maraming salamat po for this night, we enjoyed at sana nag-enjoy din kayo. Thank you so much.” Kasunod nito ay photo opp.
-Nora V. Calderon