WALA nang bawas, ngunit posible pa ang dagdag. Ito ang kinalabasan sa naging desisyon ng Southeast Asian Games Federation Council nang aprubahan ang 56 sports disciplines para sa 2019 Southeast Asian Games sa Manila at tatlong satellite venue sa Luzon.

Ang desisyon ay isusumite sa Philippine SEA Games Council (Phisgoc). Hinati sa tatlong kategorya ang mga napiling sport. Kabilang sa category 1 ang medal-rich athletics at aquatics.

Nasa category 2 naman ang archery, badminton, b a s e b a l l . s o f t b a l l , basketball, billiards, 10- pin bowling, boxing, canoe/traditional boat race, chess, cycling, dance sports, fencin, football, golf, gymnastics, handball, hockey, ice hockey, ice skating, judo, karatedo.

Kasama rin sa nasabing kategorya ang modern p e n t a t h l o n , m u a y , pencak silat, plo, rowing, rugby sevens, sailing/ windsurfing, sepak takraw, skateboarding, shooting, soft tennis, squash, surfing, table tennis, triathlon, volleyball, weightlifting, wrestling at wushu. K a b i l a n g n a m a n sa category 3 ang arnis, eSports, floorball, juijitsu, kickboxing, kurash, lawn bowl/pentaque, netball, obstacle course, sambo/ voniram, underwater hockey at wakeboarding.

6 koponan nagbabalak ligwakin ang PVL; lilipat daw sa bagong liga?

Ayon kay Phisgoc Executive director Ramon Suzara, napagkasunduan ang SEAG Federation Council ang bilang ng sports sa ginawang pagpupulong nitong weekend sa Conrad Hotel. Nakasaad diumano sa SEA charter na kailangan mag sumite ng host nation ng mga sports na di baba sa 22.

-Annie Abad