MASAYA ang mediacon ng Three Words To Forever ng Star Cinema, dahil bukod sa panay ang to the highest level na halakhak nina Sharon Cuneta at Richard Gomez, tilian to the max with kilig factor din ang fans nilang nasa balcony ng Dolphy Theater.

Sharon copy

And take note, ang sweet-sweet tingnan ng mag-ex, na magkatabi sa stage at panay ang eye to eye contact with matching broadway smile sa kani-kanilang fez, na tipong middle-aged version nina Julia Barretto at Joshua Garcia.

Hirit na tanong ni Yours Truly sa Q&A portion: “Ngayong muli kayong nagkasama at ngayon nga ang sweet n’yo pang magkatabi, naniniwala ba kayo sa kasabihang dumarating, nagdaraan ang nakaraan sa inyong dalawa?”

Kim tatapatan daw si Julie Anne, 2025 calendar girl ng kalabang liquor brand?

“Siguro in some cases, oo,” masayang sagot ni Megastar.

“Siguro ganu’n talaga ang buhay natin, hindi lang ako, hindi lang siya (Sharon), but to most of us. Na eventually, magkikita kayo, lalo na in our case, nasa showbiz kami. And this is happening right now,” sabi naman ni Ormoc City Mayor Richard. “Maybe dumarating, dumaraan nga sa ating mga buhay ang nakaraan, lalo nga at sinabi mo Tita Mercy na magsyota kami dati.”

Natawa si Sharon, “Ha, ha, ha! Ang tagal na nu’n!”

Another tanong from Yours Truly: “Nu’ng una kayong magkita nang eye to eye after your breakup noon, pumaimbabaw ba sa pandinig nyo ang old hit song na may lyrics that goes… ‘I saw you last night I’ve got that same old feelings’?”

Nagtilian na naman sa kilig ang fans nina Sharon at Richard.

Pakanta rin ang sagot ni Sharon: “I really love you to see you tonight.”

Sinundan niya ito ng pag-amin: “Talagang nagpapayat ako nang konti para hindi naman kami magmukhang mag-tiya. Ha, ha, ha, ha!”Nang tanungin ni Yours Truly kung naaalala pa nila kung kailan sila nagsabihan ng three words to forever na “I love you”, halatang tandang-tanda pa ni Sharon ang petsa, habang nalito naman si Richard.

“Ahhh, nu’ng maging magsyota kami ni Sharon, batang-bata pa kami noon. Parang mga teenager pa lang ‘ata kami noon,” sabi ni Richard.

“Twenty three ako, ano ka ba, 23 ka rin noon,” singit ni Sharon. “Twenty three kaming dalawa. Pareho kami ng edad noon. 52 na kami ngayon.”“Magsyota kami noon, mag-waswit kami noon,” sabi ni Richard sabay tawa, saka bumaling kay Sharon. “Pero hindi ko alam kung kailan mo ako sinagot, hindi talaga.”“Kunsabagay, ‘yung civil wedding n’yo ni Lucy (Torres) ‘di mo maalala,” sabi ni Sharon, na nagpahalakhak kay Richard.

“Sinulat niya noon, ‘Richard loves Sharon’,” kuwento ni Sharon, na dinugtungan uli ng halakhak. “Then ano na, na-develop na. Then sinagot ko siya after three days, October 11, 1989. Na tumagal din nang almost six years, on and off. Mostly on.”

O, ‘yun na ang pasilip sa nakalipas na love story nina Sharon at Richard, na muling magdudugtungan—kahit sa pelikula man lang—sa Three Words To Forever, showing in theaters nationwide this coming Wednesday, November 28.