Pinarangalan ni Pangulong Duterte ang 23 sundalong nasugatan sa pakikipagsagupa ng mga ito sa Abu Sayyaf Group (ASG), kamakailan.
Sa kanyang pagbisita sa Camp Navarro General Hospital sa Zamboanga City nitong Sabado ng gabi, binigyang-pagkilala ng Pangulo ang nasabing mga sundalo kasabay ng pagbibigay sa kanila ng award—ang Order of Lapu-Lapu award with rank of Kampilan.
Kabilang sa pinarangalan sina 2Lt. Michael Vincent Benito, S/Sgt. Rex Cureg, Sgt. Romeo Barbon, Sgt. Jerson Barasi, Sgt. Reynante Ruma, Cpl. Geneus Calamlam, Cpl. Bingbong Salvador, Cpl. Felix Jay Castillo, Cpl. Denver Lambino, Cpl. Eugene Corpuz, Pfc. London Longawis, Pfc. Aldrin Paj-Dio, Pfc. Kriel Manaligod, Pfc. Jordan Magundayao, Pfc. Ruben Bulayang, Pfc. Harvie Soriano, Pfc. Marnel Piduana, Pfc. Sandoval Ludivico, Pfc. John Paul Layugan, Pfc. Gevil Lorenzo, Pvt. Jayferson Balac, Pvt. Jaime Boco, Jr., at Pvt. Rizalde Tierro.
Iginagawad ang Order of Lapu-lapu sa mga taong nasa gobyerno o pribadong sektor na nagpakita ng kanilang extraordinary service o ambag sa ikatatagumpay ng kampanya o adbokasiya ng Punong Ehekutibo.
Ang Kampilan Medal ay ibinigay sa mga malubhang nasugatan, na kanilang natamo sa paglupig sa mga kalaban ng bayan.
Bukod sa medalya, binigyan din ng Pangulo ang mga sundalo ng mga bagong baril at ayudang pinansiyal.
Matatandaang limang sundalo ang nasawi sa nasabing engkuwentro sa Abu Sayyaf sa Patikul, Sulu, nitong Nobyembre 16.
-Genalyn Kabiling at Beth Camia