THANKFUL si Ken Chan sa success ng kanyang Afternoon Prime drama series sa GMA 7, ang My Special Tatay.

“Salamat po sa team effort ng buong cast and production staff ng GMA, sa pangunguna ni Direk LA Madridejos at kanyang mga writers, madaling napalapit sa puso ng mga manonood ang nakaaantig na story ni Boyet, na ginagampanan ko,” sabi ni Ken.

“At ang dami pong nakakagusto kay Baby Angelo. Sa totoo po, hindi niya kami binibigyan ng problema sa set, he’s only five months old pero ang sarap-sarap na niyang kargahin, at hindi siya umiiyak kahit medyo mainit sa location, sa tenement house, at sa mga ilaw na gamit sa taping. Basta lamang siya nakatingin sa camera at umiiyak lamang siya kapag gutom na. Nandoon naman ang mommy niya to breastfeed him.”

Nag-post si Ken sa kanyang Instagram ng taos-pusong pasasalamat sa mga sumusuporta at tumatangkilik sa serye.

Relasyon at Hiwalayan

Chloe punumpuno ang puso dahil kay Carlos, inurirat kung kailan papakasal

“Sa tuwing gigising ako sa umaga laging may tuwa at saya sa puso ko, dahil sa araw-araw na ginawa ni Lord, ito lagi ang unang napakagandang balita na natatanggap ko, ang mataas na ratings, dahil sa inyo,” saad sa post ni Ken.

“Sa nagbabasa nito, mula sa akin at sa buong produksiyon ng My Special Tatay, maraming-maraming salamat sa inyo!”

In return, nagkakaisa ang sagot ng netizens na deserved ni Ken ang tinatamasang tagumpay ng My Special Tatay dahil sa napakahusay niyang acting bilang may mental disability.

Request naman ng mga netizens na ngayong sinabi ni Boyet na mahal niya talaga si Aubrey (Rita Daniela), ang ina ni Baby Angelo, sana raw ay baguhin na rin ang character ni Aubrey at maging mabait na ito kay Boyet, at alagaan ang anak nila. Sana raw ay hindi na lang laging masama at pagkakaperahan ang isipin ni Aubrey, dahil mapapatawad naman siya ng mabait na pamilya ni Boyet. Very forgiving kasi ang nanay ni Boyet na si Isay (Lilet) at si Chona (Candy Pangilinan), na pinsan ni Isay at ninang ni Boyet.

Ang My Special Tatay ay napapanood araw-araw pagkatapos ng Ika-5 Utos.

-Nora V. Calderon