SINIBAK ng University of Santos Tomas, sa pangunguna ni Grace Irebu na kumubra ng 28 puntos, 20 rebounds at tatlong blocks, ang Adamson University, 78-69, jahapon sa stepladder match ng UAAP Season 81 women’s basketball semifinals sa Smart Araneta Coliseum.

Matikas na bumalikwas ang Tigresses mula sa 25-46 paghahabol sa second half upang igupo ang Lady Falcons.

Haharapin ng No.4 seed UST ang No. 2 Far Eastern University sa Miyerkules sa Bif Dome para sa ika-apat ang huling slots sa Finals Four.

Ang magwawagi sa laban at siyang sasagupa sa five-peat seeking National University sa best-of-three championship. Awtomatiko sa Finals ang Lady Bulldogs matapos walising ang doube-round elimination para sa record 78 sunod na panalo.

Pamilya, naglabas ng opisyal na pahayag sa pagpanaw ni Chino Trinidad

“Grace proved so many times, especially sa mga knockout games, that she’s the MVP of Season 81. Hopefully, she will get better every year,” pahayag ni UST mentor Haydee Ong.

Nag-ambag si Sai Larosa ng 17 puntos, walong rebounds, tatlong assists at dalawang steals.

Nanguna si Nathalie Prado sa Lady Falcons sa nahugot na 34 puntois.

Iskor:

UST (78) -- Irebu 28, Larosa 17, Capilit 13, Rivera 6, Aujero 5, Portillo 5, Ferrer 4, Tacatac 0, Magat 0, Sangalang 0, Gonzales 0.

AdU (69) -- Prado 34, Alcoy 9, Camacho 9, Cacho 6, Araja 5, Tandaan 3, Bilbao 2, Aciro 1, Cabug 0, Osano 0.

Quarterscores: 22-14, 43-25, 60-47, 78-69