MASAYANG-MASAYA ang isa sa mga bida ng Star Cinema’s Three Words To Forever na si Kathryn Bernardo sa bagong achievement niya. Binigyan siya ng recognition bilang unang Girl Scout Ambassador ng Girl Scout of the Philippines (GSP).

Kathryn copy

Sa interview ng Push Team kay Kathryn mula sa Chief Girl Scout Ceremony nitong Biyernes, labis ang kanyang kilig at pasasalamat sa pagpili ng institusyon sa kanya.

“Nakakakilig ‘yung feeling na ‘yon na ang daming puwedeng maging face of Girl Scout yet they chose me. At first time pa sila kumuha ng ambassador actually na celebrity for Girl Scout,” sabi ni Kathryn.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

“Sana more than just that, marami akong ma-encourage and mas marami akong makuhang bagong mga Girl Scouts, lalo na ‘yung generation ngayon. So, sana maka-inspire ako sa kanila, especially mga bata.”Mahalaga para kay Kathryn na naipagpapatuloy na buhay ang GSP dahil aminado siya na nakatulong ang pagiging Girl Scout niya noon sa buhay niya ngayon.

“For me, very important kasi growing up naging malaking part siya ng life ko. And ito ‘yung association na grabe ‘yung respect ko, kasi ilang generations na ang dumaan pero nandiyan pa rin sila, ipinaglalaban ang mga pinapaniwalaan nila. Kaya sana hindi natin sila kalimutan,” sabi ni Kath.

Kasalukuyan ding isine-celebrate ni Kathryn ang kanyang 15th year sa show business, at dahil magkakasunod ang projects niya ay plano niyang mag-holiday break bago matapos ang taon.

“Alam mo, ‘di ko alam, kung (paano) ba talaga. Siguro sa December, after kasi ng The Hows of Us, ‘di ba nag-Three Words (To Forever) na ako agad. And, medyo magkasunod talaga ang work, so December and January talaga pinaka-break ko for myself and my family. So ‘yun ‘yung reward,.”Sa nakalipas na 15 years ni Kath, inamin din niya na bukas na siya ngayon sa mga solo projects na may “challenging” at “out of comfort zone” na role.

“Wala akong specific na masabi kung anong role. Sana every project iba doon sa nagawa (ko) na. And hindi ko alam kung action o drama. Depende kung ano ipe-present nila, something na hindi ko pa nagagawa, something na malayo sa personality ko. Something na challenging siguro and out sa comfort zone ko,” pagtatapos ni Kathryn.

-Ador V. Saluta