Aabot sa 300 pamilya ang nasunugan sa Novaliches, sa Quezon City, iniulat kahapon.

Sa report ni Fire Chief Insp. Rosendo Cabillan, naganap ang sunog sa Katipunan Kanan Compound sa Kingspoint Subdivision, Barangay Bagbag, Novaliches, bandang 4:00 ng hapon nitong Sabado.

Nagsimula ang apoy sa bahay ni “Aling Delia”, nang sumabog umano ang isang cell phone at nagliyab hanggang sa kumalat ang apoy sa 150 bahay.

Walang nasugatan sa insidente at nailigtas si Rita Santiago, 61, na nakaratay sa kanyang bahay.

'Maraming salamat sa inspirasyon!' Sen. Bam, inalala si PNoy sa 66th birthday nito

Ayon kay Cabillan, umabot sa ikatlong alarma ang apoy bago naapula bandang 6:00 ng hapon.

Aabot sa P1 milyon ang natupok na ari-arian.

-Jun Fabon