NAGKAMPEON si Philippine chess wizard Al Basher “Basty” Buto dahil sa mas mataas na tie break points sa nakakatanda niyang kapatid na si Alysa Buto sa katatapos na West Crame Chess Club Kiddies 12 and under Rapid Chess Tournament nitong Linggo sa Barangay Hall West Crame sa San Juan City.

Sina Al-Basher at Alysa ay kapwa nakalikom ng tig 4.5 points matapos ang limang laro sa one-day tournament na inorganisa ng West Crame Chess Club sa gabay nina president Dante Bajaro, vice-president Mauro T. Supil Jr., secretary Julis Anthony Munoz, treasurer Villamor De Vera, auditor Romeo Caoile at Press Relation Officer Delfin Baun Jr. Ang iba pang opisyales ng West Crame Chess Club ay sina Sgt. of Arms Rafael Mariano, Eduardo Emperio at coordinator Jorge Ramos.

Tumapos naman sina Khalid Macaslang at Karl Taopa sa third hanggang fourth placers na may tig 4 points habang nasilayan naman sina John Karl Villamor at Kurts Garcia sa pagsalo sa fifth hanggang sixth placers na may 3.5 points.

Si Taopa ang hinirang na top West Crame player.

Muntik mag-suntukan! Beermen vs Taoyuan, nagkainitan sa PBA-EASL

Mismong si 8-time Illinois State Champion International Master (IM) Angelo Young ang nagsagawa ng ceremonial moves kasama si 2017 Pahang, Malaysia multi-gold medallist Al Basher “Basty” Buto bilang hudyat ng pagsisimula ng Swiss-system competition.

Sina Gilbert Taopa at Genghis Katipunan Imperial ang nagsilbing pairing arbiters.