TIYAK na malaking hamon at may pressure kina Sharon Cuneta at Richard Gomez ang P810 million na kinita ng The Hows of Us, ang pinanggalingang super blockbuster movie nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo bago isinama sa kanilang reunion movie na Three Words to Forever ang dalaga -- minus ang kalahati ng KathNiel love team.

Kath, Richard, Sharon (DINDO STORY) copy

Sa marketing equation, sina Sharon at Richard ang maituturing na kapalit ni Daniel lalo na’t relatively newcomer pa lamang ang ipinareha kay Kathryn na si Tommy Esguerra.

Ito ang unang pel ikula ni Kathryn na napahiwalay siya kay Daniel simula nang mapasali sa big league ang KathNiel. Sina Kathryn at Daniel ang may hawak ng record bilang highest grosser sa local movie industry. Sa direksiyon ni Cathy Garcia Molina, ipapalabas na next week ang Three Words to Forever.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Gaganap sina Richard at Sharon bilang nagkakalabuan nang mag-asawa pagkaraang ng 25 taong pagsasama. Nagdesisyon na silang maghiwalay pero mauudlot ito sa pag-uwi ng kanilang anak na si Tin (Kathryn) kasama ang boyfriend na si Kyle (Tommy). Nagbabalak na ring lumagay sa tahimik sina Tin at Kyle na naitaon pa sa paparating na 55th wedding anniversary renewal ceremony ng parents ni Cristy (Sharon) na ginagampanan nina Freddie Webb at Liza Lorena).

Magkukunwari sina Cristy at Rick (Richard) na maayos pa ang pagsasama nila n a umabot s a pagkakasundong i -cel ebrat e din nila ang kanilang 25th anniversary, dahil sa pressure na magkaroon ng triple family celebration.

Pero habang papalapit ang big day, magiging kumplikado ang mga sitwasyon dahil mauungkat ang mga isyu na iniiwasan ng bawat isa sa kanila.

Mahilig sa family drama ang Filipino moviegoers, lalo na ang pagtalakay sa mga paghamon na kinakaharap ng pamilya o ng mag-asawa at kung paano ito mapapanatiling matatag.

Ang mga banta sa buong pamilya ang madalas na ginagamit na formula sa maraming TV series na kinagigiliwan ng televiewers. Lagi ngayong naabangan ang Halik dahil sa ganitong tema. Matatandaan na ganito rin ang paksa ng kinalokohan ding Ika-6 na Utos.

Makapamilya pa rin ang mga Pilipino, at kung magugustuhan ng moviegoers ang pagkakakuwento ni Direk Cathy sa Three Words to Forever lalo na kung paano malulutas ang mga kumplikadong sitwasyon sa pamilyang ipapakilala niya sa pelikula, saka lang maiibsan ang pressure kina Sharon at Richard bilang bagong co-stars ni Kathryn.

-DINDO M. BALARES