ANG suwerte naman ng mahusay na Filipino singer and international musical theater actress na si Rachelle Ann Go, dahil no other than ang tinaguriang The Rock na si Dwayne Douglas Johnson ang nanood sa kanyang West End performance na Hamilton nitong Wednesday evening sa West End.

Dwayne at Rachelle Ann copy

Post ni Rachelle Ann: “The ROCK. Oh man!!! He is so cool!!! Thank you for the lovely words @therock #hamiltonlondon.”

Si Lea Salonga ang unang nag-post ng comment: “Huwaaaaaa???????”

Matet De Leon, ibinuking kung anong klaseng ina si Nora Aunor

Parang hindi makapaniwala ang napakaraming nag-comment na nanood nga si The Rock, na pinuri ang buong cast, especially si Rachelle Ann. Pinuri raw ni Dwayne ang napakagandang boses ng Pinay nang ma-meet ng Hollywood actor ang cast ng Hamilton sa backstage as per the Instagram story ni Rachelle.

Nagbida kamakailan sa Skyscraper at The Rampage, isa lang si Dwayne sa international celebrities na nanonood ng Hamilton. Una nang napanood si Rachelle Ann nina Tina Turner, Emma Stone, Claire Foy, at ang huli, bago si Dwayne, ay sina Prince Harry at Meghan Markle, Duke and Duchess of Sussex ng United Kingdom.

-Nora V. Calderon