NABIGLA si Rayver Cruz nang malaman niyang pumanaw na ang pinsan niyang si Tristan Jedidiah Cruz, or his Kuya TJ. Ang 37-anyos ay panganay na anak ng kanyang Tito na si Tirso Cruz III, at ng wife nitong si Lynn Ynchausti.

Rayver Cruz

“Nalungkot at nagulat ako dahil wala akong idea na may sakit siya,” sabi ni Rayver. “Hindi ko alam na may lymphatic cancer pala siya. Matagal na rin kasi kaming hindi nagkikita, si Kuya Rodjun ang lagi siyang nakikita.”

Sinadya raw ilihim ang sakit ni TJ dahil ayaw nitong ipasabi.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

“Ang nakikita ko sa gym, si Bodie, ‘yung younger brother niya, pero wala rin siyang binabanggit sa akin. Kahit close kami ng sister niyang si Djanin wala ring sinasabi sa akin kapag nagkikita kami,” paliwanag ni Rayver. “Kaya respetuhin na lang natin kung ano ang wish ng family.”

Nakausap namin si Rayver sa press visit ng GMA para sa kanilang Afternoon Prime series na Asawa Ko, Karibal Ko, sa Urology Center of the Philippines.

Sa pagkamatay ng pinsan, na-realize ni Rayver na walang pinipiling edad ang kapalaran ng tao.

“Hindi rin natin talaga alam kung kailan tayo kukunin, so enjoy life lang talaga and be good. Always be good.”

Napansin ni Rayver na kaya raw pala hindi na sila madalas magkaroon ng reunion na magpipinsan. Si TJ daw kasi talaga ang laging nagse-set. Si TJ daw ang leader pagdating sa reunion nila. Kung may gathering o ‘pag gusto nilang magpipinsan na lumabas, si TJ daw talaga ‘yung unang-unang gagawa ng group chat para matuloy ang gathering na ‘yun.

“Sobrang bait niya, lahat ng anak ni Tito Pip, mababait lahat, wala akong masabi sa kanila.”

Alam ni Rayver na sandali lang sa showbiz si TJ, kaya hindi ito nakilalang mabuti ng publiko, hindi tulad nina Bodie at Djanin.

“Talented po silang lahat, magaganda silang kumanta lahat. At si Kuya Rodjun at si Kuya TJ pareho silang mahusay sumayaw; gumawa sila ng dance video noon. Hindi lang ako nakasali kasi may work ako, pero may video sila at mahilig silang gumawa ng dance clips sa Instagram.”

Sinabi pa ni Rayver na after ng taping niya ng Asawa Ko, Karibal Ko ay tutuloy siya sa wake ni TJ sa Funeraria Paz sa Manila Memorial Park in Sucat, Parañaque.

Napapanood Mondays to Saturdays ang Asawa Ko, Karibal Ko, pagkatapos ng Eat Bulaga.

-NORA V. CALDERON