LAST October 22, Tristan Jedidiah—TJ to everyone—turned 37 years old. Wednesday, November 21, he died of lymphatic cancer. He left his Papa Tirso Cruz III, Mama Lynn Ynchausti Cruz, and younger siblings Bodie and Djanin.

Lynn & TJ

Nag-post ng pamamaalam si Lynn sa panganay nila ni Pip.

“I remember you telling me, ‘hindi ako nahihiya, Ma, na tawaging Mama’s Boy!’. I am proud of you, my dearest son! My first born son! You have a very good heart! A strong man! A warrior! The Lord blessed me with you! Pinahiram ka ni Lord sa akin for 37 years, and I thank God for that.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

“I am blessed! You are now dancing in heaven for the Lord! You fought a good fight, anak! I will miss our talks, ‘yung tawanan natin, ‘yung paghahati natin sa food, ‘yung pagdaan mo sa room namin ni Papa mo before you leave the house and pag-uwi mo.

“‘Yung kumakanta tayong dalawa while you were in the hospital praising and worshipping God, our morning and evening prayer time. So many things na nami-miss ko about you. So many beautiful memories, and I will cherish them for the rest of my life!

“You will always be in my heart! I love you, my son! Mama loves you, Mama’s Boy! I love you, TJ! @spikeforhope 11-22-2018.”

Parang second family na sa akin ang mga Cruz, simula pa nang maging PRO ako ni Tirso in the late 70s. Nanatili ang closeness ko sa kanila hanggang ngayon na wala na sina Daddy Groovy, Mommy Elma, at si Woody Cruz.

Kaya hindi rin ako nakatrabaho nang maayos nang malaman ko ang nangyari kay TJ last Wednesday.

I cried sa message sa akin ni Lynn: “Kilala mo mga anak ko, especially si TJ, na mula pa nang ipinanganak ko, eh andyan ka na. Thank you for loving my children, lalo na si TJ. ‘Di ko malilimutan ikaw at si Violy (another very close friend nila), laging may pasalubong or little something kay TJ.”

Hindi ko rin malilimutan si TJ dahil siya, among the three kids, ang hindi nadalang pasukin nang tuluyan ang showbiz. Nagsimula lang siya sa Ang TV bilang dancer, pero mas pinili niyang magtapos ng studies niya at nasa likod lang ng mga kapatid, na natapos din ang kani-kanilang studies.

Sa lahat ng mga endeavours nila, masaya si TJ sa mga accomplishments ng kanyang mga kapatid. At kung may mga events sila, nangunguna si TJ sa pagtulong kina Bodie at Djanin.

You will always be remembered, TJ. Rest now in the bosom of your Creator in Heaven.

-NORA V. CALDERON