Para kay Pangulong Duterte, hindi na kailangan pang magdeklara ng nationwide martial law upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa bansa.

President Rodrigo Roa Duterte (RICHARD MADELO/PRESIDENTIAL PHOTO)

President Rodrigo Roa Duterte (RICHARD MADELO/PRESIDENTIAL PHOTO)

Ayon sa Pangulo, maaaring arestuhin o barilin ng gobyerno ang sinumang sangkot sa krimen kahit pa hindi siya magdeklara ng batas militar sa bansa.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

“Hindi ako mag-declare ng martial law. Bakit ako mag-declare ng martial law? Puwede man kitang hulihin. Puwede nga kitang patayin, eh, kung ayaw mo talagang maghinto,” sinabi ni Duterte sa kanyang pagdalo sa 35th founding anniversary ng Army Reserve Command sa Cavite nitong Huwebes.

Gayunman, pinabulaanan ni Duterte ang mga alegasyon tungkol sa pagiging diktador niya.

“Martial law-martial law, 'Duterte maging diktador.’ Kaya inuutusan ko kayo ngayon. ‘Pag ako ang nag-overshoot ng isang oras sa termino ko, hulihin ninyo ako at i-firing squad ninyo ako,” sinabi ni Duterte sa militar.

“But until then, I have to work because I was elected, not by the military, not by the police, but by the people. And I am a worker of government together with you and we serve the Republic of the Philippines,” dagdag niya.

Nananatiling umiiral ang martial law sa Mindanao simula noong Mayo 23, 2017, at may mga panukalang muli itong palawigin. Magtatapos ang batas militar sa Disyembre 31, 2018.

-GENALYN D. KABILING