Napatay ng puwersa ng pulisya at militar ang isang umano’y miyembro ng teroristang grupo na Dawlah Islamiyah (DI) sa isang sagupaan sa Ormoc City, Leyte, kahapon.

Sa ulat ng militar, nakilala ang suspek na Joseph Anulga, Jr., alyas “Dawud”.

Ayon sa militar, ang naturang grupo ay kumikilos sa Ormoc City.

Napatay si Anulga sa isinagawang joint intelligence operations ng 802nd Brigade, 8th Infantry Division, Military Intelligence Group (MIG 24 at 8) ng Philippine Army (PA) at ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG)-Region 8, sa Sitio Lawis, Barangay Airport sa naturang lungsod.

Nakonsensyang holdaper, kusang sumuko sa pulisya; ginamit na kutsilyo at baril, laruan lang!

Ayon sa arresting team, nanlaban umano si Anulga nang tangkain itong dakpin kaugnay ng pagkakasangkot sa gun-running activities sa lugar.

Si Anulga ay isang Islamic Convert at nanumpa na rin umano ito ng katapatan sa grupong Daesh, at pinuno ng huli na si Abu Bakr Al Baghdadi.

Nakatakda rin sanang sumailalim si Anulga sa pagsasanay ng kanilang local terrorist group sa kampo ng grupo sa Mindanao, at nakahanda ring isakripisyo ang kanyang buhay bilang martir ng Islam.

Kasamahan din umano ni Anulga ang napaslang na si Yusuf Macuto, na sangkot sa tangkang pambobomba sa US Embassy, noong Nobyembre 2016.

-Francis T. Wakefield