CEBU CITY – Itinaas na ng Philippine Institute of Volcanology nad Seismology (Phivolcs) ang alert level ng Bulkang Kanlaon sa Negros, dahil sa patuloy na pag-aalburoto nito.

Sa abiso ng Phivolcs, isinailalim na sa level 2 ang alert status sa bulkan matapos itong makapagtala ng pagyanig sa nakalipas na 24 na oras.

Bukod dito, nagkaroon ng sulfur dioxide (SO2) emission ang bulkan, at ito ay may average na 381 tonelada kada araw, na naitala nitong Nobyembre 16.

Ayon sa Phivolcs, patuloy na nagkakaroon ng “moderate level of unrest” o pag-aalburoto ang bulkan bunsod ng paggalaw ng magma sa ilalim nito na posibleng humantong sa magmatic eruption. Kaugnay nito, pinayuhan ng Phivolcs ang mga lokal na pamahalaan at mga residente na mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok sa four-kilometer radius permanent danger zone (PDZ) sa bulkan, dahil sa posibleng pagkakaroon nito ng phreatic eruptions.

Nakonsensyang holdaper, kusang sumuko sa pulisya; ginamit na kutsilyo at baril, laruan lang!

Ipinagbabawal din ng Phivolcs ang pagpapalipad ng anumang uri ng sasakyang panghihimpawid sa bisinidad ng crater ng Kanlaon.

-Minerva Newman