Ramirez, nagbabala sa mga NSAs at POC

IGINIIT ni Philippine Sports Commission (PSC) Chairman William ‘Butch’ Ramirez na isasara ng pamahalaan ang kaban sa mga National Sports Association (NSA) na mananatiling watak-watak at walang lehitimong lider na gumagabay sa mga atleta at nagsasagawa ng tunay na reporma at programa.

NAGLAHAD ng kanilang mga plano at programa para sa amateur at professional sports sina Games and Amusement Board (GAB) chairman Abraham ‘Baham’ Mitra(kaliwa) at Philippine Sports Commission (PSC) Chairman William ‘Butch’ Ramirez sa unang TOPS (Tabloid Organization in Philippine Sports) ‘Usapang Sports’ kahapon sa makasaysayang National Press Club (NPC) bldg. sa Intramuros, Manila. Nasa larawan din sina TOPS president Ed Andaya ng People’s Tonight at VP Internal Dennis Eroa ng Libre/Bandera.

NAGLAHAD ng kanilang mga plano at programa para sa amateur at professional sports sina Games and Amusement Board (GAB) chairman Abraham ‘Baham’ Mitra(kaliwa) at Philippine Sports Commission (PSC) Chairman William ‘Butch’ Ramirez sa unang TOPS (Tabloid Organization in Philippine Sports) ‘Usapang Sports’ kahapon sa makasaysayang National Press Club (NPC) bldg. sa Intramuros, Manila. Nasa larawan din sina TOPS president Ed Andaya ng People’s Tonight at VP Internal Dennis Eroa ng Libre/Bandera.

Ayon kay Ramirez, umaasa siyang maayos ng Philippine Olympic Committee (POC) ang mga gusot sa ilang sports association sa madaling panahon upang makapaghanda ng tunay ang mga atleta para sa 2019 hosting ng Southeast Asian Games at Olympic qualifying meet para sa 2020 Tokyo Games.

6 koponan nagbabalak ligwakin ang PVL; lilipat daw sa bagong liga?

“We already talked to several NSA na may leadership dispute at may problema pa sa liquidation ng kanilang cash advances. We have schedule consultative meeting with the POC and we will present this issue, dapat nilang ayusin ito, if not? May go signal na si Presidente Digong sa amin, kung ayaw mag-ayos at ayaw mag-liquidate, hindi na naming bibigyan ng financial assistance,” pahayag ni Ramirez sa kanyang pagbisita kasama si GAB Chairman Baham Mitra sa TOPS ‘Usapang Sports’ sa NPC sa Intramuros, Manila.

Niliwanag ni Ramirez na hindi nakikialam ang PSC sa internal na gawain at relasyon ng NSA sa kani-kanilang International Federation, ngunit sa isyu nang kawalan ng programa at patuloy na pagsasawalang-bahala sa mga atleta na may kakayahan, ngunit hindi mapabilang sa national team dahil hindi lamang sa hindi sila kursunada ng opisyal, ito’y nakababahala ayon kay Ramirez.

“When the best swimmers and the best runners excluded in tryouts. We have to do something,” sambit ni Ramirez.

“Under the Philippine constitution, every Filipino has the rights. Kung hindi mo sila pasalihin sa tryouts para sa National team ibang usapan na ‘yan. Kung hindi ninyo kami papakinggan, mabuti pa umalis na kayo sa Pilipinas,” aniya.

Inamin ni Ramirez na nagkamali ang mga dating PSC lider, kabilang na siya sa pagiging lubhang mapag-bigay sa hinaing ng mga NSA at sa POC na naging dahilan sa paglobo sa P120 milyon na utang mga sports association sa sports agency.

“Ito ang aming babaguhin ngayon. Tatapusin ko ang termino ng Pangulong Duterte sa 2022 para ayusin ang sports. Kung ayaw makiisa ng mga NSA at other stake holder, maghanap sila ng mapagkukunang private corporation para pundohana ng kanilang programa,” pahayag ni Ramirez.

-EDWIN ROLLON