TAMPOK ngayon ang mga imbensiyon at kakaibang inobasyon ng mga Pilipino sa isang exhibit sa Teatro Ilocandia sa Batac City, Ilocos Norte.

Bahagi ang apat na araw na selebrasyon ng ika-25 anibersaryo ng National Inventors Week at ika-75 taon ng Filipino Inventors Society Producers Cooperative.

Ibinida ng kalahok na mga imbentor ang kanilang mga bagong produkto mula sa mga learner’s robotics, electronic fire crackers at iba pang lokal na imbensyong makina para sa maliliit na magsasaka at mga negosyante at maraming pang iba na layuning matugunan ang kanilang mga pang-araw-araw na problema.

Dumalo rin ang mga opisyal ng lokal na pamahalaan, mga estudyante, mananaliksik at mga producers sa exhibit na inorganisa ng Department of Science and Technology sa pakikipagtulungan sa Filipino Inventors Society Producer Cooperative, Technology Application and Promotion Institure (TAPI), Mariano Marcos State University (MMSU), Provincial Government of Ilocos Norte (PGIN), at sa Batac.

Night Owl

Demokrasya: Haligi ng Pag-unlad at Pananagutan

“Let us take this opportunity to savor the products of Science and Technology and take inspiration from them,” pahayag ni Engr. Armando Ganal, Regional Director ng Department of Science and Technology sa Region 1.

Itinatampok ng taunang pagdiriwang mga kakaibang inobasyon, na tutulong sa mga imbentor na maabot ang mas malawak na merkado para sa kanilang mga produkto.

Bilang isa ring imbentor, sinabi ni FISCP President Francisco Pagayon na masaya siya sa tulong ng pamahalaan sa pagsusulong ng kanilang mga imbensyon sa komunidad.

“We may have the idea and product, but the entrepreneurial side should be strengthened,” ani Pagayon.

Sa temang “Inventrepinoy for sustainable growth and prosperity” para ngayong taon, tampok din sa aktibidad ang seminar sa pagnenegosyo at pamamahala ng salapi para sa mga interesadong kalahok.

Itinatampok naman sa isang technology forum ang mga tungkulin ng mga State Universities and Colleges and Higher Education Institutions sa pagpapaunlad ng mga ‘inventor-entrepreneurs’ tungo sa tuluy-tuloy na pag-unlad ng ekonomiya, ang tungkulin ng mga lokal na pamahalaan sa pagpapaunlad ng mga lokal na imbentor upang maging inobatibong “inventrepinoy”.

PNA