MARAMI nang parangal ang ipinagkaloob sa Dr. Love Radio Show ng DZMM, kabilang na rito ang Best Counseling Program at ang Lifetime Achievement Award para sa host na si Bro Jun Banaag.

Kamakailan, isa na namang award ang nakamit ng kanyang palatuntunan sa DZMM, mula sa katatapos na Catholic Mass Media Awards (CMMA).

Nasungkit ng Dr. Love Radio Show ang Special Project Award sa dokumentaryong Landas ni Hesukristo: Isang Paglalakbay, Pagninilay.

Kinunan ito early last year nang magpunta si Bro Jun, with pilgrims, sa Holy Land. Taunang isinasagawa ang pilgrimage at ang nagsasalaysay o narrator ng religious docu ay walang iba kundi si Bro Jun.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Sa isang text message na ipinadala ni Bro Jun, pinasalamatan niya ang pamunuan ng CMMA sa malaking karangalang ipinagkaloob nito sa kanyang programa.

Tuwing Semana Santa ipinalalabas ang Landas ni Hesukristo: Isang Paglalakbay, Isang Pagninilay.

-Remy Umerez