SA loob ng 36 na taon at 16 na pagkakataon na nakalaban nila ang Thailand, hindi pa nakakatikim ng panalo ang Philippine Men’s National Football Team.

Ngunit, nitong Miyerkules ng gabi, sa unang pagkakataon ay nakapuwersa ang ating pambansang koponan na mas tanyag sa tawag na Philippine Azkals ng 1-1 draw kontra sa mga Thais upang manatiling walang talo ss ginaganap na 2018 AFF Suzuki Cup sa Panaad Stadium sa Bacolod City.

Dahil sa panalo, mayroon na ngayong 7 puntos ang Askals kapantay ng Thailand sa Group B. Gayunman, pangalawa lamang Ang Pilipinas sa standings dahil sa superior goal difference ng mga Thais.

“First of all, I think we played very well (for the) whole 90 minutes. And then, for me, we were the better team out there. We created more chances so 1-1, it’s okay, but we could have won the game. I’m very happy with the performance of our team. I think they did very, very well,” ani Azkals coach Sven-Goran Eriksson.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Kumpara noong huli silang magkaharap, nakipagsabayan ng husto ang Azkals sa pagkakataong ito mula sa simula ng laro.Ngunit bigo ang mga Pinoy na maka goal sa first half.

Naitala ng Thailand ang unang goal ng laro sa 56th minute sa pamamagitan ni Suprachai Chaided.

Hindi naman sumuko ang Azkals hanggang sumapit ang 81st minute kung saan naitabla ni Jovin Bedic ang laro.

Ang 28-anyos na super sub ay pumasok kapalit ni Stephen Palla sa 78th minuto.

-Marivic Awitan