ILANG gabi nang tinututukan ng netizens ang action-drama series na Cain at Abel na pinagbibidahan ng dalawang hari ng Kapuso Network, sina Primetime King Dingdong Dantes at Drama King Dennis Trillo.

Dingdong at Dennis

Waging-wagi ang pilot episode nitong Lunes, November 19, dahil punum-puno ito ng mga pasabog na eksena ng hindi magkakilalang magkapatid na Daniel (Dingdong) at Miguel/ Elias (Dennis).

Pagkatapos ng mga pasabog na eksena, ay sunud-sunod nang ipinakita ang dahilan ng paghihiwalay ng magkapatid na very close sa isa’t isa. Maraming naawa at pumuri sa husay ng pagganap ni Yasmien Kurdi, bilang ang batang si Belen na ina nina Daniel at Miguel, marami ring umiyak sa eksenang tuluyan nang nagkahiwalay ang magkapatid.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Hindi rin pinalagpas ni Dingdong ang pagkakataon dahil binati niya si Yasmien sa kanyang outstanding performance. Post ni Dingdong: “Hi Yas! Gusto ko lang sabihin na napakahusay mo sa inyong pagganap sa ‘Cain at Abel’. G r a b e a n g kapit ko sa iyo. Bravo!”

Dito naman ipinakita ni Dennis iyong pagtalon niya sa mataas na tulay sa Sta. Cruz, Laguna at paglangoy hanggang sa makarating sa kabilang pampang ng ilog. Ipinakita rin sa pilot episode kung ang karakter ni Rafael Rosell bilang ang batang Antonio, ama ng magkaptid, na sunud-sunuran sa mga gusto ni Diana Zubiri, na gumanap naman bilang ang batang si Precy.

Ipinakita na rin ang karakter ni Solenn Heussaff as Abigail sa serye. Siya ay girlfriend ni Daniel pero may iba pa pala siyang boyfriend. Si Sanya Lopez si Margaret, na girlfriend naman ni Miguel. Nanatili pa rin siyang kasintahan ni Miguel kahit hindi niya tanggap ang masasamang gawain ng minamahal, na ayon dito ay para sa inang si Belen. Napanood na rin sa pilot ang pagpapalit ng pangalan ni Miguel into Elias.

Talagang inabangan nang husto ang pagsisimula ng serye dahil trending ito sa Twitter.

Ayon nga kay @eamonAllyouWant, “ # C a i n A t A b e l a n g g a n d a n g cinematography. Para akong nanonood ng pelikula. Opening scene is Great! Nice to see these two Great Actors together in a free TV. Impressions was met. Galing!”

Sabi naman ni @NathanOil, “Undeniably, a top-notch action-packed drama that will hook Pinoys on their TVs. This is indeed a new national primetime phenomenon! #CainAtAbel.”

Napapanood gabi-gabi ang Cain at Abel, pagkatapos ng 24 Oras.

-NORA V. CALDERON