SA November 28 na ang playdate ng reunion movie nina Sharon Cuneta at Richard Gomez. Pagkaraan ng 16 na taon simula nang gawin nila ang Minsan Minahal Kita, ngayon lang uli sila nagtambal sa pelikula.

Kathryn, Sharon, Direk Cathy at Richard_DINDO STORY

Simula nang maunsyami ang napabalitang reunion movie nina Sharon at Gabby Concepcion, ito na ang pangalawang pelikula ni Sharon katambal ang dalawa sa mga leading man na pumalit kay Gabby nang unang mabuwag ang ShaGab reel and real love team.

Una munang nagtambal sina Sharon at Robin Padilla sa Unexpectedly Yours, kasama sina Julia Barretto at Joshua Garcia, sa direksiyon ni Cathy Garcia Molina. Ayon sa sources, iyon sana ang gagawin nina Sharon at Gabby, pero umurong nga ang huli.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Tumabo sa takilya ang Unexpectedly Yours.Tulad ng ShaGab at ShaRob, marami ring shippers ang love team nina Sharon at Richard. Kaya inaasahan nang tatabo rin sa box office itong 3 Words to Forever.Kasama si Kathryn Bernardo (minus Daniel Padilla), si Cathy Garcia Molina uli ang direktor ni Sharon sa 3 Words to Forever. Sa trailer pa lang, kahit hindi pa masyadong buo ang istorya, malalaman nang family drama ito.

Brilliant marketing strategy na ang istorya at theme pa lang, dahil tulad nina Sharon at Richard, may kanya-kanyang pamilya na rin ang fans nila.Iniiwanan ng fans ang iniidolo kapag hindi na sila nakaka-relate sa mga ginagawa ng artista.

Sa teasers at trailer, may last song syndrome na ang maraming Sharonians sa Show Me A Smile ng Apo Hiking Society, ang theme song ng 3 Words to Forever.Brilliant marketing strategy uli.

Marami rin sa older generations ang may identification sa love song na ito.Almost science na sa Star Cinema ang movie production. Aware sila na hindi lang arte (sining/arts) ang pelikula kundi negosyo rin.

Napagsasanib nila ang arts at komersiyo kaya mataas ang batting average nila.

Kung matututo sa Star Cinema ang ibang production outfits, mababawasan ang mga pelikulang nilalangaw sa takilya.

Ilang linggo nang matamlay ang moviegoers sa mga pelikulang sariling atin.

-DINDO M. BALARES