Bumilis pa ang galaw ng bagyong ‘Samuel’ matapos mag-landfall nang limang beses sa iba’t ibang lugar sa Visayas, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

NAG-LANDFALL ANG ‘SAMUEL’ Ipinakikita kahapon ng weather forrcaster na si Ariel Rojas ang pagtama sa lupa ng bagyong ‘Samuel’ sa Barotac Nuevo, Iloilo, at ipinaliwanag ang lakas ng hangin at ulan nito, sa PAGASA sa Quezon City. (KEVIN TRISTAN ESPIRITU)

Inihayag ni Ariel Rojas, weather specialist ng PAGASA, na huling namataan ang sentro ng bagyo sa Leganes, Iloilo, taglay ang lakas ng hanging nasa 45 kilometers per hour (kph) at bugsong 65 kph.

Kumikilos si Samuel nang pakanluran-timog-kanluran sa bilis na 40 kph.

PNP, kakalampagin mga bagong halal na politiko para sa kampanya kontra droga

Kahapon, nakataas pa rin sa Signal No. 1 sa Romblon, katimugang Oriental Mindoro, katimugang Occidental Mindoro, Palawan, kasama na ang Calamian at Cuyo Group of islands, Northern Cebu, hilagang Negros Occidental, Guimaras, Iloilo, Capiz, Aklan at Antique.

Inaasahan ang paghagupit ng bagyo sa lalawigan ng Palawan, ngayong Huwebes.

-Jun Fabon