WALANG alalahanin sa puso’t isipan ni University of Perpetual Help coach Sammy Acaylar sa kanilang pagsagupa para maidepensa ang korona sa NCAA men’s volleyball season, sa kabila ng pagkawala ng ilang key star players.
Ayon kay Acaylar, malalamim ang ‘reserves’ ng Altas, sapat para hindi indahinm ang pagkalawa nina last year’s MVP Rey Taneo, libero Jack Kalingking at setter Warren Catipay.
Nakaantabay para sandigan ang Perpetual si AJ Casaña, produkto ng junior team at Palarong Pambansa recruit Louie Ramirez.
“Although it is an advantage to have one player who stands out, my motto in coaching is to rely on everyone in the team,” pahayag ni Acaylar.
Iginiit ni Acaylar na nakagawa sila nang reporma sa sistema an ikagugulat ng mga karibal.
Ayon kay Acaylar, normal para sa mga karibal na koponan na magpalakas at magpakatatag para mabawi sa kanila ang titulo – ikaamim sa huling walong season.
“We’ll just play our game and try to relax, because if my players are tight, that could be a problem,” aniya.
Pangungunahan ni last season’s Rookie-MVP Joebert Almodiel ang koponan, kasama si team captain John Patrick Ramos.
Ayon kay Acaylar, nakatuon ang pansin sa College of St. Benilde, Arellano University at San Beda University.
-KRISTEL SATUMBAGA