SA nakaraang Giant Christmas Tree Lighting na ginanap sa Times Square Food Park nitong Sabado, Nobyembre 17, ay pawang Kapamilya artists ang mga special guest sa pangunguna nina Vice Ganda, Darren Espanto, Maymay Entrata, Edward Barbers, TNT Boys, Tanghalan Season 2 grand champion Janine Berdin, loveteam Vivoree Esclito, CK Kieron, The Kids’ Choice jurors Xia Vigor, Chunsa Jung, Onyok Pineda, Carlo Mendoza at Jayden Villegas at pop star princess Sarah Geronimo.
Kasama rin sa selebrasyon ang OPM band na Mojofly, Binibining Pilipinas queens gaya nina Miss Universe Philippines Catriona Gray, Binibining Pilipinas Supranational Jehza Huelar, Binibining Pilipinas Grand International Eva Patalinjug, Binibining Pilipinas Intercontinental Karen Gallman at Miss Globe top 15 finalist Michele Gumabao.
Sina Gretchen Ho at Benj Manalo naman ang hosts.
Sa Biyernes, Nobyembre 23, ay pormal namang bubuksan ang pagbabalik ng animated Christmas On Display (COD) pagkalipas nang 16 years. Huminto ito noong 2002 nang tumigil sa operasyon ang nasabing department store.
Matatandaang naging tradisyon na ng buong pamilya, lalo na ng mga bata, na pagtuntong palang ng Disyembre ay inaabangan na ang COD na sinimulan noong 1957 ng negosyanteng si Alex Rosario, Sr. para maging Christmas display sa Manila COD Department Store. Taong 1966 nang ilipat ito sa CDO Araneta Center, Cubao.
Ang Kapuso artists na sina Maine Mendoza at Baby Baste ang pangunahing panauhin sa grand welcome ng Christmas on Display sa ganap na 5:00pm, kasama ang VIP guests at officials ng Araneta Center, sa Times Square Food Park.
Si Ginoong Rey Rosario ang bagong in-charge sa pagbabalik ng COD na may tagline na “Christmas is Home.”
Sa nasabing launch, ang Christmas On Display o COD ay magkakaroon ng 15-minute shows mula 6:00pm hanggang 10:30pm mula Linggo hanggang Huwebes at 6pm to 11:30pm naman sa araw ng Biyernes hanggang Sabado, na magtatagal hanggang Enero 6. Bukod kina Maine at Baby Baste , kasama rin ang Mandaluyong Children’s Choir sa event, na nakilala noon pang 1999 at nakatanggap na ng international accolades sa mga choral competition sa China, Canada at Korea. S i M i s s U n i v e r s e Philippines C a t r i o n a G r a y a n g magsisilbing host ng event at ang iba pang B i n i b i n i n g P i l i p i n a s winners sa n a s a b i n g okasyon.
-Reggee Bonoan