IKINATUWA ng mga stakeholders at mga magulang na dumalo sa dayalogo sa pagitan ng Philippine Sports Commission (PSC) at ng grupo ng swimming ang kinalabasan ng kanilang pag-uusap nitong Biyernes.
Ayon kay Joan Mojdeh, ina ni multi-titled swimmer Jasmin Mojdeh, malaki ang kanilang pasasalamat kay PSC chairman William Ramirez, naa sinsero sa kanyang layunin na ayusin ang gusot sa mga national sports association (NSA), kasama na dito ang swimming.
Kabilang ang grupo na kinabibilangan ni Mojdeh sa may mga isyu sa liderato, ang Philippine Swimming League (PSL), bagama't nauna dito ay nakipag kasundo ang grupo ni Philippine Swimming Inc (president) na si Ral Rosario, sa grupo ng PSL na pinamumunuan naman ni coach Susan Papa.
Gayunman, para sa sa kasalukuyang pamumuno ng Philippine Olympic Committee (POC), hindi pa rin nito kinilala ang grupo nila Rosario na siyang presidente ng PSI kundi si Lani Velasco na siyang naging ugat ng isyu sa nasabing NSA.
Ngunit, ang ginawang pakikipagpulong ni Ramirez ay saing positibong daan para sa pagbabago sa swimming.
"Andami kong natutunan kay chairman Ramirez," pahayag ni Mojdeh "Ang gusto lang naman niya is mag unite lahat ng grupo ng swimming. Very neutral naman si Chairman, nasa gitna naman talaga ang posisyon niya.Ni lecturan niya kami on how become a good leader na dapat marinig ng lahat," ani Mojdeh.
"He even told us that the PSC particularly his office is open to all NSAs who want to fix things and he can mediate on it, ganun siya ka cool," dagdag pa ni Mojdeh.
Matapos ang serye ng dayalogo, ay ipiprisinta ng PSC ang kanilang mga detalye sa POC kung saan kailangan na gawan ng solusyon ng POC upang maiwasan ang aberya para sa nalalapit na pagsasagawa ng Southeast Asian Games (SEA Games). Annie Abad