MAY dinaluhan kaming showbiz event nitong nakaraang araw at ang pinag-uusapan nila ay ang pelikulang The Girl In The Orange Dress na entry ng Quantum Films sa 2018 Metro Manila Film Festival.

Ria copy

Base kasi sa narinig naming tsikahan ay nagkukuwento ang taga-production sa ilang mga katoto na napanood niya ang pelikula nina Jessy Mendiola at Jericho Rosales, na kasama rin si Ria Atayde at kung tama ang dinig din namin ay maganda ang papel ng aktres sa pelikula. May rebelasyon siya rito.

“’Yung Ria, revelation siya rito, kasi di ba anak-mayaman siya, at mukhang mayaman talaga maski na saang anggulo mo tingnan, pero sa movie, ibang Ria ‘yung mapapanood mo. Masang-masa siya at keri pala niya ang mga ganu’ng karakter, nawala ‘yung accent niya at super-tagalog ang salita niya, huh?,” kuwento ng taga-production.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Marunong din naman umarte si Ria hindi lang masyadong napapansin dahil puro supporting role ang naibibigay sa kanya tulad sa Halik bilang si Baste na empleyado ni Lino (Jericho Rosales), na nakabakasyon pa ngayon dahil nga nabuking na siya pala ang mole ni Mauro Montefalco (Romnick Sarmenta).

Pero napansin na ang acting ni Ria nang gumanap siyang anak ni Ms Coney Reyes sa seryeng My Dear Heart.

Sumingit kami sa usapan at tinanong namin kung posibleng ma-nominate si Ria sa MMFF awards night.

“Sana mapansin siya ng mga hurado kasi magaling. Actually pareho sila ni Jessy na sana mapansin,” sabi sa amin.

Hmm, na-curious tuloy kaming panoorin ang The Girl In The Orange Dress.

-Reggee Bonoan