ANG pagpo-produce ng concert ay para na ring paggawa ng pelikula. Sa budget, casting, at concept nakasalalay ang tagumpay nito.

Regine at Lea

Noon, kapag sinabing solo concert ay nangangahulugang walang kasama ang performer at kung mayroon man ay front act ang kababagsakan niya.

Iba na ang strategy ngayon sa concert scene. Gaya halimbawa ng concert ni Anne Curtis, na hindi naman singer—at hindi naman niya ito ipinagkakaila—pero laging sold-out at may repeat pa.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Ano ang sekreto? Super dami ang kanyang mga guest at pawang may mga pangalan. Another big come on din ang kaseksihan ni Anne at ang naughty production numbers lalo na ng kanyang mga iba’t ibang kasuotan. Ang lahat ng ito ay inaabangan ng marami.

Kung ilang beses na itong ginawa sa concert ni Regine Velasquez, pero higit pa sa pagiging guest ang naging participation ng mga ito. Naging bahagi, for instance, si Ai Ai delas Alas at ang yumaong Rico J. Puno sa konsepto ng show. Meron silang kanya-kanya highlights bukod pa sa pagkikipag-duet kay Regine.

Isipin na lang ang pagsasama ng Concert Queen, Comedy Queen at Total Entertainer in one show.

Isang kombinasyon na hindi pa nagagawa ay ang pagsamahin sina Lea Salonga at Regine sa isang concert. Pareho na silang Kapamilya ngayon. Malaki ang posibilidad na magkaroon ito ng katuparan.

May pahiwatig ang world class singer na si Lea at Regine na kapwa sila open sa ideya. Wonderful news ito and if time permits, puwede kayang sa Valentine’s Day gawin?

-REMY UMEREZ