Si Eduard “Landslide” Folayang, beterano na sa loob ng 11 na taon ay naniniwalang magiging malaking tulong ang kanyang karanasan kapag kinaharap niya si Khan sa ONE Lightweight World Title.

Eduard Folayang (ONE Championship photo)

Eduard Folayang (ONE Championship photo)

Ang dating ONE Lightweight World Champion ay nakaiskedyul na makaharap ang Singaporean star na si Amir Khan para sa bakanteng ONE Lightweight World Title sa co-main event ng ONE: CONQUEST OF CHAMPIONS, na gaganapin sa Mall of Asia Arena sa Manila, Philippines, Biyernes, ika-23 ng Nobyembre.

Sa dami ng karanasan bilang isang professional mixed martial artist, napaghandaan na ni Folayang ang lahat ng maaaring subukang gawin ni Khan sa loob ng cage kapag nagkaharap na sila.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

“My biggest advantage over Khan would have to be my experience. I’ve been in there with all kinds of guys – hard punchers, grapplers, intelligent guys – I’ve seen it all,” sabi niya sa onefc.com

“I think my experience, and the way I handle certain situations, will play a huge factor in this bout. I have complete respect for the kid, but he’s going to have to show me something I haven’t seen before,” dagdag ni Folayang.

Nasubaybayan ni Folayang ang pag-angat ni Khan papunta sa pagiging isang world title contender kaya naman ay hinahangaan niya rin ito.

“I know he has a lot of power. Let’s not mistake that,” sabi niya. “You don’t score as many finishes as he has without having some heft in every strike, but I’m excited to clash with him. It will be a good test of skill.”

Kagagaling lang ni Khan sa isang panalo kung saan napasuko niya agad sa unang round ang teammate ni Folayang na si Honorio Banario noong Setyembre sa co-main event ng  ONE: BEYOND THE HORIZON.

Sa laban nila ni Banario, pinatunayan ni Khan na may kakayahan siyang tapusin ang laban mula sa mat o sa kanyang paa lamang.

Alam ni Folayang na isang mahirap na laban ang nagaabang sa kanya sa Mall of Asia Arena pero malakas ang loob niyang naayos na ng trainer niyang si Mark Sangiao ang tamang game plan para mapatumba ang 24 anyos na Singaporean hard hitter

“I’m coming into this bout with complete confidence. I believe in my team, and we will get the job done,” paglalahad niya.

Inamin ni Folayang na buo ang loob niyang matawag ulit na ONE Lightweight World Champion upang mapatunayan niyang muli ang sarili niya sa ating bansa.

“I’m ready to win this title for my people. This is the place where I lost the title, and I’ve waited a year for the chance to regain it. If I can win the title in Manila, I can prove to myself that I’m worthy of becoming champion again,” pagtatapos niya.