SA mga nakaraang panayam sa Pinoy Big Brother (PBB) Teen grand winner na si Maymay Entrata, kanyang sinabi na maingat siya sa perang kanyang pinaghirapang pagtrabahuhan. Kuripot nga raw siya pagdating sa paggasta lalo’t ‘di naman kailangan.

Maymay copy

Kung ‘di nga raw kailangan ang mga bagong damit na isusuot niya sa taping at shooting, least priority niya ang mag-shopping.

“Pero madalas po talagang tiis-tiis po, ganu’n. Kasi ang importante nga sa akin ay ‘yung kailangan namin,” bungad ni Maymay. Ibinahagi rin ni Maymay sa amin ang kuwento tungkol sa paborito nilang pagkain na tuwing birthday lang nila nakakain, ang fried chicken.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Can’t afford daw silang makabili ng fried chicken noon dahil sa sobrang hirap ng buhay pero pagkatapos niyang lumabas ng PBB house at nagkaroon ng trabaho ay madalas na raw itong inihahain sa kanilang hapag-kainan.

“Ngayon, nakakain na namin ‘yung gusto naming kainin like ‘yung fried chicken, kasi pang-birthday lang naman ‘yon sa amin dati,” sabay-tawa ng makulit na aktres. “Tapos ngayon parang, natutuwa lang ako na halos araw-araw na silang kumakain noon,” sey pa niya.

“Kung ano ‘yung gusto nilang kainin nakakain na nila. Nu’ng una pong nakakabili na kami ng chicken, araw-araw ‘yon ang kinakain namin talaga,” kuwento ulit ni Maymay.

Isa pa sa mga nabago sa buhay ni Maymay ay mas naging conscious na siya sa kanyang look dahil na din sa ilang ineendorso niya na beauty products tulad ng Megan Peel-Off Mask. Vain ba talaga siya in real life?

“Hindi po talaga,” pag-amin niya. “Simula lang po nu’ng maging public figure na ako saka lang ako naging ganu’n. Kaya nga po dahil sa mga beauty products na ini-endorse ko at ipinagkatiwala sa akin, mas nagkaroon ako ng kompiyansa sa sarili ko at mas naalagaan ko na rin ‘yung sarili ko,” pagtatapos ng teen star.

-Ador V. Saluta