Dating ONE Featherweight World Champion Honorio “The Rock” Banario ay gustong mabura sa alaala ang masakit na pagkatalo niya noon sa magiging laban niya ngayon kay Dae Sung Park ng South Korea.

Pareho silang lalaban sa undercard ng ONE: CONQUEST OF CHAMPIONS na gaganapin sa Mall of Asia Arena sa Manila, Philippines sa Biyernes, ika-23 ng Nobyembre.

Kakagaling lang ni Banario sa pagkatalo mula sa pagsuko niya sa first round sa kamay ng Singaporean Amir Khan sa ONE: BEYOND THE HORIZON nitong nakaraang Setyembre na tumapos sa limang sunod-sunod niyang panalo.

Ang 29 anyos na taga Baguio City ay nakikita ang three-round lightweight na laban nila ni Park bilang isang opurtunidad upang maibalik ang pangalan niya sa listahan ng mga panalo.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

“This is a perfect opportunity for me to end the year right. I split my previous two matches this year, and I don't want to lose again, especially that I’ll be competing in front of a passionate Manila crowd on Friday. I don’t want to lose in front of my countrymen,” sabi niya.

“There was a moment in my career where I lost five-straight times inside the cage, and I don’t want to be in that situation again. I want to show the fans that I improve every time I compete, and I want to give them a good show,” dagdag ni Banario.

“I have made other adjustments. I don’t want to be complacent because I am not getting any younger. This is a huge organization with a lot of very good fighters from all over the world. Every win counts,” banggit niya.

Naniniwala si Banario na magiging pabor sa kanya ang darating niyang laban kay Park dahil sa magandang kinalabasan ng naging training niya.

“Training had a good turnout. Everyone in my camp extended their helping hand. I feel so rejuvenated for this fight. I don’t know if there is anyone who can cope up with my pace,” paglalahad niya.

Sa oras at lakas na ibinigay niya sa training, tiwala si Banario na makababalik siya sa dati niyang estado bilang isa sa pinakamagaling at inaabangan na lightweights sa mundo.

“Lightweight is one of the deepest divisions in the organization, and there are so many great guys all wanting to get to the top. I have to keep winning so I can stay in the mix,” pagtatapos niya.