Kayo o Kami!

Unahan sa lubid ng kaligtasan ang La Salle Archers at Far Eastern University sa kanilang pagtatagpo sa ‘do-or-die’ match para sa No.4 ng Final Four ngayon sa UAAPSeason 81 basketball tournament sa Araneta Coliseum.

KAHIT no-bearing game, nagpamalas ng katatagan ang National University at University of the East sa huling laro ng UAAP Season 81 men’s basketball elimination. (RIO DELUVIO)

KAHIT no-bearing game, nagpamalas ng katatagan ang National University at University of the East sa huling laro ng UAAP Season 81 men’s basketball elimination.
(RIO DELUVIO)

Nagtapos na may parehas na barahang 8-6, tutuldukan ng Green Archers at Tamaraws ang isyu sa pinakakrusyal na laro ng dalawangkoponan ngayong season.

Nanguna ang Ateneo (12-2) sa Final Four kasunod ang Adamson (10-4) at ang University of the Philippines.

'I really love you kuya!' Tapatang Pacquiao brothers, ekis mangyari!

Nabigyan ng tsansang makahirit ng playoff upang makasalta sa susunod na round, nais ng Tamaraws na hindi mauwi sa wala ang lahat.

"Right now, we have an opportunity, and we have one more game. At nabigyan kami ng biyaya so dapat lubusin namin,” pahayag ni FEU coach Olsen Racela.

“Iyon na. Tapos na ‘yung second round, playoff against La Salle. ‘Yung focus dun na namin ishi-shift ,”ayon naman kay Arvin Tolentino

“And we just have to give our 110 percent sa practice para makapag-perform ng maayos sa Wednesday.”

“Bale wala rin panalo namin ngayon kung parang ‘di namin gagawin namin ‘yung best namin sa Wednesday against La Salle," pahabol naman ni Wendell Comboy.

Sa panig naman ng Green Archers, sisikapin nilang muling magwagi kontra Tamaraws na nagawa nilang bawian sa second round (65-57),pagkaraan silang talunin nito sa first round(68-61).

Umaasa si coach Louie Gonzales na makakatulong na sa kanila ang foreign big man na si New Zealand national youth player Taane Samuel na hindi naging epektibo sa kanyang pagbabalik mula sa 11-game nitong pagkawala dahil sa injury sa nakaraang dalawa nilang laro kung saan sila parehas nabigo kaya nasadlak sa playoff.

Mauuna rito, dalawang pares din ng playoff matches ang magaganap para sa women's division na kinabibilangan ng tapatang La Salle at University of Santo Tomas para sa huling slot sa nakatakdang stepladder semis at ng salpukang FEU at Adamson para sa no.2 spot.

Nauna ng pumasok ang defending champion National University sa finals sa bisa ng 14-game sweep ng eliminations at maghihintay na lamang ng kanilang makakatapat.

Ang magwawagi sa pagitan ng Lady Tamaraws at Lady Falcons na nagtabla sa barahang 9-5 sa ikalawang laro ganap na 11:00 ng umaga ay maghihintay ng kanilang makakalaban para sa huling finals slot habang ang matatalo ay sya namang lalabanan ng magwawagi sa unang laro ganap na 9:00 ng umaga sa pagitan ng Tigresses at Lady Archers na kapwa tumapos na may markang 8-6.

Ang mabibigo naman sa pambungad na laban ay pormal ng magbabakasyon kasama ng mga naunang tatlong koponang nawala sa kontensiyon.

-Marivic Awitan