ANG mainit na labanan upang makapasok sa finals ay magpapatuloy ngayon araw sa paglalatag ng ikalawang 3-stag semis ng 2018 World Pitmasters Cup (Master Breeders Edition-2) 9-Stag International Derby sa Newport Performing Arts Theatre of Resorts World.
Magsisimula ang aksyon ganap na 12:00 ng tanghali para sa nakalinyang 100 sultada.
Ang P220K One-Day 7-Stag Big Event noong nakaraan araw ng Linggo ay nagtapos kung saan ang pinagmamalaking sabungero ng Davao City na si Dori Du (Davao Matina 6-Stag Big Event Pzd Dec. 1 330k) ay nasungkit ang solong kampeonato matapos na magtala ng pitong panalo sa pitong laban, samantalang nagsalo naman sa runner-up honors ang mga lahok na RC Warriors & Chris Purple nina Rey Cañedo & Christopher Sioson at ang MJ Blue Eagle nina Coun. Marvin Rillo, Miguel Laviña at Bobby.
Pangungunahan ang banggaan ngayon ng isa sa mga pinaka-aktibong mananabong ng bansa na si Arman Santos na noong ikalawang eliminasyon noong ika-16 ng Nobyembre ay nagtala ng nakakagulat na 6 na panalo sa 6 na laban sa pamamagitan ng kanyang tatlong entries na Jade Red LDI, Jade Red LDI 1 at Babaero Jade Red Dec. 8 Sta. Monica 5-Stag.
Sasagupa rin ang mga may tigalawang panalo na KBPZ Alkatraz Julieto (Cano Daniel), Win BG @ MJT Warriors Supercharged (Darwin Baui/Ace Espejo/Ferdie Pinugu/Fred Collado), Taddit 214 (Gov. Jayjay Suarez), Tribute To Cong. Apeng Yap-Swing BG (Vic Yap/Tony Marfori), Lucban (Anthony Lim), AM Gwapits Kaliwete 1 (Andrew Montelibano/Raffy Zaide), Pilillia Mam Rhona (Rhona Bullecer), Red Unicorn BA (Warren Valencia/Bryan Azarcon), Fafafa MBE Bmeg Integra AS (Marlon Escolin/Engr. Femie Medina), JB Gamefarm Bmeg Integra (Ojie And Viñan), Davao Matina 6-Stag Dec.1 Pzd Big Event 330k Kinambud (Arnold Mendoza/Dori Du), Pleasant Drive
(Joey Sevilla), CGV Aldo Dec.6 6stag San Rafael Bul. BHA (Aldo John), Tokwing Na Mantis Pa Manyaman Sinag Party List (Mambo), Kmc-Jmc (Kmc), WRV Paniqui 2 (Mayor Max Roxas/WRV)
SL Zian-Tyro/Taras Bulba/Igorot (Lester Edoc/Cris Aguas), RJM & JPY (RJ Mea/John Patrick Yao), Sto Nino Jared (Jimmy Junsay/Dennis Reyes/Ed Ladores), Roosterville Winstar/Ep/ESJ (EP), Roosterville AEGP 2 (EP) at AA Grace (Atong Ang/Boyet & Grace Sison).
Handog nina Charlie “Atong” Ang, Gerry Ramos, Engr. Sonny Lagon, RJ Mea & Gov. Eddiebong Plaza, kaagapay sina Eric dela Rosa & Ka Lando Luzong, ang world-class na pasabong na ito ay suportado ng gold sponsor Thunderbird Platinum – sa paluan ‘di mauunahan & Thunderbird Bexan XP. Isponsor din ang VNJ, Experto at Thor.
Magpapatuloy ang 3-stag semis para sa bukas Martes, Nob. 21. Ang 4-stag finals para sa lahat ng makaka-iskor ng 3 or 3.5 puntos pagkatapos ng semis ay sa Nob. 23, samantalang ang mga may tig- 4, 4.5 o 5 puntos ay magtutuos para sa korona sa Nob. 25 grand finals.