Tatlong Pinoy ang hindi pinalad  na maitaas ang bandila ng Pilipinas sa ONE Championship stage nitong Nobyembre 17.

IMG_2372

Sumuko sa mga kaniya kaniyang kalaban sina Eugene Toguero, Jimmy Yabo at Angelie Sabanal sa undercard ng ONE: WARRIOR’S DREAM sa Stadium Istora sa Jakarta, Indonesia.

Ang National Muay Thai Champion, Eugene Toguero, ang unang lumaban at si Tatsumitsu Wada ng Japan ang kinaharap niya.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Sa pangalawang pagpapakita ni Wada sa pinakamalaking martial arts organization sa mundo ay napasuko niya agad si Toguero ng wala pang isang minute sa opening round.

Sumobra ang left hook ni Toguero na naging dahilan upang madala siya ni Wada sa mat.

Hindi nagtagal ay hindi na nakabangon pa si Toguero dahil sa rear-naked choke sa kanya sa ground na nagpasuko sa kanya sa 0:52 mark ng round one.

"I've trained my takedown defense heading to this bout, but it was my own mistake that ended the night for me," inamin ni Toguero.

"I will go back to the drawing board and come back better. This is not the end of me.”

Yabo came in next on the undercard when he locked horns against Anthony Engelen for a scheduled three-round catchweight contest.

Sumunod si Yabo sa undercard at ang nakaharap niya sa isang three-round catchweight contest si Anthony Engelen.

YK4_5122

Matapos magpalitan ng tira sa umpisa ng laban ay nagtagumpay si Engelen na patumbahin si Yabo.

Kinuha ni Engelen ang pagkakataon nang makitang bukas ang likuran ni Yabo at sinagawa niya agad ang rear-naked choke dito na naging dahilan ng pagsuko ni Yabo sa 2:35 mark ng round one

"I was confident in both my striking and grappling against Engelen.

I took a risk, and it didn't pay off. This is a learning experience that I can use for my upcoming bouts," paglalahad ni Yabo.

Si Sabanal naman ay dinala si Priscilla Hertati Lumban Gaol sa isang three round atomweight clash.

Sa pangalawang laban niya bilang isang professional mixed martial artist, ipinakita ni Sabanal ang kanyang warrior spirit sa buong contest habang patuloy na nakikipaglaban.

Ngunit naungusan pa rin siya ni Gaol sa laban at unti-unting inilabas ang kanyang striking superiority.

Unanimous decision ang labon nila pabor kay Gaol matapos ang tatlong five-minute rounds na nagbigay kay Sabanal ng una niyang pagkatalo sa loob ng cage.

IMGL8678

"To challenge myself against someone like Lumban Gaol for my second bout is a great learning experience. I see this as something that would benefit my career in the future," pagdidiin ni Sabanal.

Ang Team Philippines ay may pagkakataon upang maibalik ang karangalan sa ating bansa sa mixed martial arts competition dahil may limang atletang sasabak sa ONE: CONQUEST OF CHAMPIONS, na gaganapin sa Mall of Asia Arena sa Manila, Philippines, Biyernes, ika-23 ng Nobyembre.

Dedepensahan ni ONE Heavyweight World Champion Brandon Vera ang kanyang belt laban sa Cage Warriors Heavyweight Champion Mauro Cerilli sa gabi ng main event.

Si Eduard Folayang naman ay haharapin ang record-holding knockout artist Amir Khan para sa bakanteng ONE Lightweight World Championship.

Ang Former ONE Featherweight World Champion Honorio Banario naman ay nakatakdang makalaban si Dae Sung "Crazy Dog" Park ng South Korea.

Ang ONE Warrior Series alumnus Rocke Backtol ay lalaban kay Akihiro Fujisawa sa isang three-round flyweight bout, habang si Jeremy Miado ay susubukang talunin si Peng Xue Wen.