KASABAY ng paggunita sa ika-100 anibersaryo ng Arministice Day, na nagwakas sa sa Unang Digmaang Pandaigdig sa Europa noong Nobyembre 11, 1918, nagbabala si French President Emmanuel Macron laban sa lumalakas na “old demons”, tulad ng makabansang ideyolohiya ng Nazism na ipinaglaban ng Amerika at iba pang mga bansa noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
Nagpatuloy siya sa pagtalakay tungkol sa kasalukuyang kalakaran sa mundo, kung saan ilang partikular na bansa, na inuuna ang kanilang pansariling interes kaysa iba, ang nagpapatupad ng mga polisiya na maaaring humantong, ayon sa kanya, sa mga bagong sigalot sa mundo. Sa ngalan ng nasyonalismo, niya, nagpapatupad sila ng mga polisiya at desisyon para sa kapakanan ng sangkatauhan.
Sinabi ni Macron: “Patriotism is the exact opposite of nationalism. Nationalism is a betrayal of patriotism. By putting one’s own interest first, with no regard for others, we erase the very thing that a nation holds dearest, what gives it life, what gives it grace—its more values.”
Para sa tulad nating matagal nang nagpapahalaga sa pagiging makabayan, nakababahala ang pananalita. Lalo dahil ang ating mga pambansang bayani na kinikilala at iginagalang natin sa kasalukuyan—tulad nina Rizal, Bonifacio, Mabini, at Del Pilar—ay mga makabayang nakipaglaban sa pananakop ng mga dayuhan. Sila ay mga pinunong nagsusulong ng laban sa mga kolonyal na mananakop.
Ang nasyonalismo sa ganitong konteksto ay hindi mapupulaan o maitatanggi. Ito ang nagtutulak sa inaliping tao upang manindigan at lumaban laban sa sumasakop na bansa. Nasyonalismo rin ang nagtulak sa mga orihinal na kolonya ng Amerika upang lumaban para sa kanilang kalayaan laban sa Britain. Nasyonalismo rin ang nagbigay-lakas sa France at sa iba pang bansa sa Europa upang pumalag sa mga Nazis noong Ikalawaang Digmaang Pandaigdig. At nasyonalismo rin ang nagpapakilos sa maraming bagong bansa sa Africa sa kasalukuyan upang manindigan para sa kanilang mga sarili laban sa mga dating nananakop sa kanila.
Tiyak na hindi kontra si President Macron sa nasyonalismo ng mga taong nagsisikap na mapatalsik ang panlulupig na pulitikal at pang-ekonomiya ng ibang mga bansa. Tinutukoy niya ang wala na sa lugar na nasyonalismo na wala nang pagkonsidera sa kapakanan ng ibang mga bansa, sa kabutihan ng kapwa.
Marami ang nagsasabing ang kanyang mga pahayag sa seremonya ng anibersaryo ng Arminstice ay tumutukoy sa polisiya ni United States President Donald Trump, na ang polisiyang “America First” ay maaaring maging “America Only”. Sa kasalukuyan, lumalaki ang mga lamat sa ugnayan ng Amerika sa ibang mga bansa sa Europa at sa Asya, dahil sa polisiyang ito.
Sa ganitong konteksto, mauunawaan natin ang negatibong pananaw ni French President Macron sa nasyonalismo. Mayroong siyang iba pang kahulugan ang nasyonalismo bilang “excessive patriotism.” Mayroon pang ibang kahulugan—“devotion and loyalty to one’s own nation”—at ito ang patuloy nating mahigpit na pinanghahawakan para sa ating bansa, dahil ito ang tumutukoy kay Rizal at sa iba pa nating mga pambansang bayani at sa mga makabayang polisiya at patuloy nating sinisikap na malampasan ang mga hadlang na nananatili pa rin mula sa ating kolonyal na nakaraan.