PARANG may tampo si Janno Gibbs sa latest post niya tungkol sa hindi niya pagkakasama sa Christmas Station ID ng ABS-CBN.

Janno copy

Ipinost ni Janno ang picture niya noong pumirma siya ng kontrata sa Star Music.

“Throwback to Sept 12 this year when i signed w/ @starmusicph Naalala ko lang. Sila yata di ako naalala, eh. #wagnyokohanapinsastationid #asapnilayan @vivaartistsagency.”

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

May follower si Janno na nagtanong kung bakit wala siya sa CSID, at kung ano ang explanation ng ABS-CBN?

“’Di kasi ako network contract. Pero alam ko ‘pag recording artist automatic kasali sa Station ID,” sagot ni Janno.

Nag-comment uli ang kausap ni Janno na unfair sa kanya na hindi siya isinali sa CSID dahil under pa rin siya ng ABS-CBN. May nag-comment at nag-suggest din na i-delete ni Janno ang nasabing post niya, dahil nagmukha raw siyang nagra-rant, begging and bitter.

“I’m simply conveying my feelings. Dinaan ko pa nga sa joke. If it were a rant...serious ‘yung caption. I’m not looking for pity. I just want to explain because people ask me what’s my project now.”

May nag-suggest din na bumalik na lang si Janno sa GMA Network.

“Wala rin ibinibigay sa ‘kin work dun,” sagot ni Janno. “Puwede pa rin naman ako sa 7, eh. Pero wala sila ibinibigay na work.”

May nag-comment ng “Ohhh sooo sad, that hurts,”

Sagot ni Janno: “It’s ok. Ganun talaga.”

May nagkomento naman na more focus ang ABS-CBN ngayon kay Regine Velasquez, at baka nakalimutan na ng network may iba pa silang artists na dapat kasaama sa CSID.

“They still have plenty of room if they wanted,” sagot naman ni Janno.

Nagustuhan namin ang mga prangkang sagot ni Janno. Lalo na nang tanungin siya kung masama ang loob niya sa hindi pagkakasali sa CSID?

“Oo,” diretsong sagot ni Janno. “Sad lang ako di man lang ako kasama sa Station ID.”

-Nitz Miralles