PINAIGTING ng Team Go For Gold ang programa sa paghahangad na mabigyan ng pagkakataon ang Pinoy cyclist na makasabak sa 2020 Tokyo Olympics.

go for gold copy

Mula sa local tour, nagbuo ang Go For Gold ng continental team na sumasabak sa premyadong torneo sa abroad sa paghahagad na makakuha ng sapat na international ranking points na magagamit para magkwalipika sa Olympics.

“I believe it’s the next logical step in order to improve our cyclists,’’pahayag ni Go For Gold godfather Jeremy Go.

May cash incentives din; Karl Eldrew Yulo, tumanggap ng ₱500K mula kay Chavit!

“This will allow us access to bigger competitions, which we can use to gauge our performance.’’

Bahagi ng Go For Gold sina Jonel Carcueva, Ronnel Hualda, Jay Lampawog, Daniel Carino, Boots Ryan Cayubit at Rex Luis Krog. Sasabak sila sa Tour de Indonesia sa Enero para simulan ang kampanya na makalikom ng ranking points.

Nasa koponan din sina Ismael Grospe Jr., Ronnilan Quita, Elmer Navarro, Jericho Jay Lucero at Joshua Bonifacio na pawangnaghahangad na makabirit sa UCI 2.1 category races.

Iginiit ni Go For Gold project director Ednalyn Hualda na ang desisyon na magbuo ng continental team ay napapanahon hindi lamang para mas mapaunlad ng Pinoy riders ang kanilang marka bagkus ang makakuha ng sapat na UCI points na kinakailan para makausad sa Olympics partikular ang 2020 Tokyo Games.

Ayon kay Hualda nakaprograma sa koponan ang 10 international races sa 2019.

“We have been trying to get more races for them para tuloy-tuloy ang development ng mga riders. It will also help them earn more points in their bid for Tokyo 2020,’’ pahayag ni Hualda.

Ang five-stage Tour de Indonesia, isang UCI 2.1 race, ay maipapantay sa kalidad ng Tour de Langkawi sa Malaysia.

Kamakailan, tumapos si Carcueva sa No.7 sa overall ng individual general classification ng Tour de Singkarak, isang UCI 2.2 race, sa Indonesia habang sina Grospe at Quita ay may mataas ding tinapos sa loob ng walong stages.

“The results of the Tour de Singkarak showed that we are capable of going head to head with the continental teams. I think we are now ready to go up to a higher level of competition,’’ sambit ni Ednalyn Hualda.