HINDI nagpapigil si Tyrone "Turon" Delos Santos sa Board 2 para ihatid ang GM Dao-Ron chess team sa kampeonato sa katatapos na 1st National Master Joshue Bolico Memorial "Tatluhan" chess tournament sa Tiendesitas Mall, Food Court sa Pasig City.
Giniba ni Delos Santos si Mark Jay Bacojo para pangunahan ang GM Dao-Ron Team sa 2.5-0.5 win kontra sa Top Secret sa sixth at penultimate round.
Suportado nina Grandmaster Darwin Laylo at Makati Medical Center top player Ronald "Ron Matehek" Hermida, ang GM Dao-Ron Team ay tumapos ng six wins at one draw na katumbas ang 13 match points at 16.5 board points sa seven outings para maibulsa ang P50,000 top purse plus trophy sa event na sinuportahan nina Italy-based National Master Exfelicos Bolico at Erwin Tabor na isinagawa bilang pagbibigay-pugay sa namayapang si National Master Joshue Bolico kung saan ang tournament director ay si Fide Master Nelson "Elo" Mariano III.
Bukod kay Delos Santos na may perfect seven points para masikwat ang individual board 2 gold medal award, ang nasabing koponan ay binubuo nina Board 1 National Master Noel dela Cruz na may 5 points at Board 3 Paul Sanchez na nag ambag naman ng 4.5 points.
Ang GM Dao-Ron chess team ay nagkasya sa tabla sa final round 1.5-1.5 kontra sa Redkings Byahero Warriors, subalit itinanghal na overall champion sa 65-team National Chess Federation of the Philippines sanctioned tournament