ISANG malaking tagumpay ang The Color Run Hero Tour 2018, na inorganisa ng @ runrio_inc sa pakikipagtulungan ni Dingdong Dantes at ng Yes Pinoy Foundation, na ginanap nitong Linggo ng mdaling araw, Nobyembre 18, sa West McKinley, Taguig City. Ang #Happiest5K on the planet ay presented naman ng GMA Network. Nanguna sa event ang Dantes family dahil buong mag-anak ang present sa event, kasabay niyang lumakad at tumakbo ang asawang si Marian Rivera at anak na si Zia.

Marian, Zia at Dingdong copy

M a r a m i n g Kapuso stars ang sumama k ahi t p a m a a g a n g nagsimula ang event. Present din kasi rito sina Rocco Nacino, Kris Bernal, Ruru Madrid, Bi anc a Umali, Rodjun Cruz, Kyline Alcantara, ang magkapa t i d na Sanya Lopez at Jak Roberto, Andre Paras, Jay Arcilla, Manolo Pedrosa, Ashley Ortega, Julius Miguel, Isabelle de Leon, Ayra Mariano, Betong Sumaya at marami pang iba. Kita sa mga posts kung gaano karami ang sumali sa fun run.

Post ni Marian sa kanyang Instagram: Maraming salamat to all the runners at sa lahat ng sumuporta to make The Color Run hero Tour 2018 possible. Congratulations Mahal sa success ng event na ito! All proceeds of the event will be donated to support the I am Super campaign of Yes Pinoy Foundation. Marami na namang mga bata tayong matutulungan. Muli, maraming salamat po.”

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

B i l i b t a l a g a k ami k a y Marian, dahil last Saturday, maaga pa ay nasa launch na siya ng Prime Mom Club na nag-participate sa Prime Pinasarap Moments event sa Prime Hotel. Nagkaroon siya ng fun-filled pastry making experience with Chef Mira at siya man ay nagturo din ng paggawa ng Prime Layered Fruit Cake at pagluluto ng Prime Beef Steak Salpicao, gamit ang mga Mega Prime products like fruit cocktail at whole mushrooms. Ipinakita rin sa event ang TV commercial ni Marian na ginawa ng Mega Prime, at malapit na itong mapanood na sa telebisyon.

Tumuloy pa rin si Marian sa Sunday PinaSaya at masayang nakipagkulitan dahil big promo ng action-drama series na Cain at Abe nina Dingdong at Dennis Trillo.

Nag-post din ng pasasalamat si Dingdong sa mga sumali sa fun run:

“Before the day ends, I would like to thank everyone who participated in this morning’s The Color Run PH. and to our organizers, and @gma network. The @iamsuperph campaign will definitely go a long way because of everyone’s contribution – from our YesPinoys, volunteers, the #CainAtAbel cast , the #SuperMaam cast, the @Sunday Pinasaya cast, the EuroMonkeys, the sponsors, the performers, our families and good friends – you all made this a success! I would like to specially call out our selfless Ambassadors who have passionately embranced the whole process of this event. You are all #Supers! Hanggang sa muli! See you next year as we unite all colors once again for The Color Run PH 2019!”

-NORA CALDERON