INILUNSAD ni Jermae Yape na tubong Bacoor, Cavite at kasalukuyang nasa Grade 10 sa La Salle Dasmariñas ang single niyang Summer sa entertainment media kamakailan na akala namin ay hindi original song dahil tunog banyaga at puwedeng gamitin sa TVC.
Napag-alaman naming si Jermae pala ang mismong sumulat ng sariling awitin kasama si Jheorge Normandia.
Ayon sa dalagita, bata pa siya ay pangarap niya talagang maging singer at suportado siya ng kanyang mga magulang.
“First single ko po ito ever, kaya sobrang overwhelm ako. Kasi, sobrang pinapangarap ko talagang maging singer. Kaya thankful po ako, singing talaga kasi po ang love kong gawin,”sabi ng bagets.
Dagdag pa, “Digitally release na po siya at labas na ngayon sa lahat ng digital platform like sa Spotify, iTunes, Tweezers, Googles, Amazon sa lahat po. It’s Pop po, puwedeng pang-sing and dance po. Danceable po kasi itong single ko.”
Sa local singers ay idolo ni Jermae sina Jayda Avanzado at KZ Tandingan.
Kuwento ni Jermae, “Si KZ, dahil ‘yung craft po niya and ‘yung voice niya, kung paano niya i-deliver ang kanta niya. Kung bibigyan ako ng chance, siya ang dream kong maka-duet na local artist, idol ko po kasi siya talaga.”
May nakatakdang radio tour ang dalagita para sa Summer promo at hoping na sana ay magkaroon din ng TV guestings.
Bukod sa pag-awit ay hilig din ni Jermae ang umarte at sana may magbukas ng pinto para sa kanya sa showbiz.
“Sana po mas marami pang mag-open ng doors para po sa akin. Like, maging artista, dancing, singing kahit saan po, kung saan ako dadalhin ng tadhana,” say ni Jermae.
Nakapag-workshop na si Jermae kay Ogie Diaz.
Sa international singers ay sina, “Bruno Mars and Adele, mga iconic artists po kasi sila. Grabe ‘yung kanilang craft. Pero sa kaedaran ko po, si Jayda (Avanzado). Si Jayda, maganda rin po ‘yung craft niya, happy , millennial type na kanta.”
-Reggee Bonoan