HUHUSGAHAN na ngayong Lunes ng gabi ang pagsisimula ng most-anticipated Kapuso primetime series na Cain at Abel. Inaabangan kasi ng mga televiewers na mapanood ang dalawang dalawang hari ng GMA Network: si Primetime King Dingdong Dantes at Drama King Dennis Trillo.

Dingdong at Dennis

Maraming nagtatanong kung sino ba ang magiging Cain at sino ang magiging Abel sa kanilang dalawa dahil ang story nito ay tungkol sa magkapatid na Daniel (Dingdong) at Miguel/Elias (Dennis). Ayon sa nakausap namin, ginamit lamang ang title ng serye mula sa dalawang characters sa Holy Bible. Kung ang magkapatid na Cain at Abel ay nagkaroon ng kumpetensiya noon, ganito rin ang magkapatid na Daniel at Miguel, iyon nga lamang hindi sila magkakilalang magkapatid dahil mga bata pa sila nang magkahiwalay at lumaki sila sa magkaibang pamilya.

Si Daniel ay naging maluwag ang buhay dahil sa mayamang ama siya napunta, kay Antonio na ginagampanan ni Eddie Gutierrez. Lumaki namang mahirap at pagnanakaw ang naging trabaho ni Miguel na lumaki sa mabait na inang si Belen na ginagampanan ni Chanda Romero. Si Belen ang nagpalit ng pangalan ni ‘Miguel’ sa ‘Elias.’

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Tatlo ang nagdirek sa mala-pelikulang pasabog ng Cain at Abel, dahil sa malalaking action scenes, si Don Michael Flores at guest directors na sina Mark Reyes at Toto Natividad. Mamayang gabi na ang pilot ng Cain at Abel, pagkatapos ng 24 Oras.

-Nora V. Calderon