CAMP PRES QUIRINO, Ilocos Sur - Isang bagitong pulis ang nagbaril sa sarili matapos siyang mag-amok at mang-hostage sa Bantay, Ilocos Sur, kamakailan.

Paliwanag ni Ilocos Sur Police Provincial Office director, Senior Supt. Clint Bayacsan, hindi siya makapaniwala sa insidente na nagresulta sa pagkamatay ni PO1 Rolly Reotutar, 38, taga-San Sebastian, San Vicente sa naturang lalawigan.

“We don’t know yet how it happened. We are looking at the possibility that he was mentally disturbed basing on accounts of personnel who have had conversations with him and his previous records of administrative cases. We will be requesting help from our PNP health service for their psychological evaluation,” pahayag ni Bayacsan.

Sa paunang imbestigasyon ng pulisya, naka-duty si Reotutar sa Ilocos Sur Police Headquarters nitong Biyernes, dakong 5:20 ng hapon.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Bigla na lamang umano nitong kinuha ang isang M16 Armalite rifle at sumakay sa tricycle patungong Altamira Subdivision sa Mira.

Pagdating sa lugar, biglang pumasok ang pulis sa bahay ng isang biktima sa pamamagitan ng pagbasag sa salamin ng bintana nito at hinostage ang biktima sa loob ng banyo.

Kaagad namang nirespondehan ng mga pulis ang lugar na nabigla rin sa pagho-hostage ni Reotutar.

Tinangkang kumbinsihin ng mga pulis si Reotutar ngunit pinaputukan sila nito.

Nang makatakas ang kanyang hostage, kaagad na binaril ni Reotutar ang sariling mukha nito na nagresulta sa kanyang pagkamatay.

-Mar T. Supnad