Nagpaabot kahapon ang Department of Foreign Affairs (DFA) ng pakikiramay sa mga pamilya ng mga nasawi sa nagpapatuloy na wildfires sa California sa Amerika.

Patuloy na nagmo-monitor ang Konsulado ng Pilipinas sa San Francisco at Los Angeles kaugnay ng Camp Fire at Woolsey wildfire sa hilagang California, na ikinamatay ng 76 na katao, habang mahigit 1,000 iba pa ang nawawala.

Puspusan ang pakikipag-ugnayan nina Consul General Henry Bensurto at Consul General Adel Angelito Cruz sa mga awtoridad at sa Filipino community upang alamin kung may Pilipinong nakabilang sa mga namatay at nawawala.

Kinumpirma naman ni Bensurto na isang Pinoy sa Butte County ang nawalan ng tirahan.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Pinapayuhan ang Filipino community na apektado ng wildfire na tumawag sa +1 (415)-748- 9888 sa San Francisco o +1 (213) 268-9990 sa Los Angeles para sa kinakailangang ayuda.

Bella Gamotea