PORT MORESBY – Inaasahang seselyuhan ng Pilipinas at China ang pinaigting na pagtutulungan ng dalawang bansa sa pagbisita ni Chinese President Xi Jinping sa ating bansa sa Nobyembre 20-21.

Ilang kasunduang pang-imprastruktura na pinondohan ng China ang inaasahang lalagdaang sa “historic” at “significant” na state visit ni Xi sa Pilipinas sa gitna ng sumisiglang ugnayan ng dalawang bansa, ayon kay Finance Secretary Carlos Dominguez III.

Kabilang ang panukalang oil exploration deal sa pagitan ng Pilipinas at China sa mga kasunduan na posibleng lagdaan sa pagbisita ng presidente ng China.

“His visit is quite significant because it is a return visit to the state visit of the President two years ago where President Duterte very wisely turned the foreign policy of the Philippines towards ASEAN (Association of Southeast Asian Nations) and Asia particularly to China,” sinabi ni Dominguez nang kapanayamin ng mga mamamahayag sa sidelines ng regional summit sa Papua New Guinea.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

“These face-to-face meetings are so important because they promote understanding and goodwill between the leaders but also show a good example to their citizens that, you know, the Philippines and China should cooperate more closely and cooperation comes from understanding each other, each other’s positions very well,” dagdag ng kalihim.

Tiniyak din ni Dominguez, na magsisilbing secretary-in-attendance sa pagbisita ni Xi, na handa na ang bansa sa magiging pagdalaw ng Chinese leader, ang unang beses ni Xi.

Ito rin ang unang pagkakataon na bumisita sa Pilipinas ang isang lider ng China sa nakalipas na 13 taon.

“The Philippines is preparing very hard for this historic meeting between the President of the Philippines and the President of China. It’s actually his first visit as President of China to the Philippines,” sabi ni Dominguez.

Aniya, ang mga panukalang financing agreements para sa mga proyektong lalagdaan ni Xi ay kasalukuyan nang binubusisi ng mga ahensiya ng gobyerno na nakasasaklaw sa mga ito.

Kabilang sa mga proyektong ito ang New Centennial Water Source-Kaliwa Dam Project, ang riles na mag-uugnay sa Metro Manil at Bicol, ang Subic-Clark railway, at ang Mindanao railway system.

Nang tanungin kung tiyak bang malalagdaan na ang oil exploration deal, sumagot si Dominguez: “I believe that’s part of the agreements that is being considered and Energy Secretary (Alfonso) Cusi is leading the effort in this area.”

Una nang inihayag ng Malacañang na tinanggap ni Xi ang imbitasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na bumisita ito sa Pilipinas.

“During the State Visit, the two Leaders will exchange views on areas of mutual concern and chart the course for the future of Philippines-China bilateral relations,” sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo.

-GENALYN D. KABILING