Nilinaw ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na hindi nito sinasadya ang pamamahagi ng mga inuuod nang food packs sa mga evacuees sa Marawi City, Lanao del Sur.

Batay sa report mula sa field office ng DSWD sa Soccsksargen, natuklasan ng kagawaran ang tungkol sa mga sirang pagkain na naipamahagi ay hinggil sa daing na ipinamahagi kapalit ng de-latang sardinas at corned beef makaraang hilingin ng evacuees na ibahin naman ang isinu-supply na pagkain sa kanila.

Tiniyak naman ng DSWD-Soccsksargen sa publiko na napalitan na nila ang nasabing food packs.

Binigyang-diin din ng kagawaran na ang limitadong expiration date at pagkakaroon ng moisture sa packaging ng daing ang naging dahilan ng pagkabulok nito.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

“We would like to reiterate that the goods that we are distributing to the IDPs (internally displaced persons) in Marawi are of good quality,” sabi ni DSWD Assistant Secretary for the Office of the Secretary Glenda Relova.

“However, there are times that due to the mishandling of goods during delivery, these are damaged resulting to spoilage. We ask the IDPs to immediately return all spoiled and unconsumed food items nearing expiry to the DSWD 12 for replacement,” dagdag niya.

Tiniyak din ni Relova na magpapatuloy ang pamamahagi ng DSWD ng pagkain sa evacuees sa Marawi, gaya ng nakatakda, at magiging mas maingat na sila.

-Ellalyn De Vera-Ruiz