BALAK kasuhan ng Department of the Interior and Local Government ( D I L G ) a n g mga producer ng teleseryeng Ang Probinsyano kapag ipinapatuloy ng seryeng pinagbibidahan ni Coco Martin ang istorya nito na umano’y “grossly unfair and inaccurate portrayal of our police force.”
Inihayag ni DILG Spokesperson Jonathan Malaya nitong Biyernes sa isang pahayag na kung magpapataw sila ng kaukulang aksiyon, kasama sa kaso ang pagbabawal sa pag-ere ng show, ang paggamit ng police uniform, kagamitan at maging ang paggamit ng acronym ng Philippine National Police (PNP), na nasa ilalim ng DILG.
Ito ay kasunod ng pagpapahayag ni Philippine National Police (PNP) chief Director General Oscar Albayalde ng kanyang concern hinggil sa isyu na sa tingin niya ay negatibong pagsasadula o pagpapakilala sa mga pulis sa Ang Probinsyano, at inilarawan pa niya itong “very disturbing.” Binigyang-diin pa niya ang umano’y pagpo-promote ng serye sa ideya ng “instant justice”, gayundin ang paglalarawan na ang PNP chief ang villain o kalaban.
Nag-isyu naman ang ABS-CBN ng pahayag hinggil sa usapin, at siniguro nito na ang Ang Probinsyano ay “purely fictitious as stated in the disclaimer aired at the start of the show every night.” Kalaunan, nag-post din si Coco ng “pasensya na po” sa kanyang Instagram account, kasama ang disclaimer na ineere sa panimula ng show gabi-gabi.
Dagdag pa ni Malaya nitong Biyernes, “(they are) looking at possible violations of the Childrens Television Act of 1997 because the show may have violated the National Council for Children’s Television standards for television programs that should be child-friendly.”
-JOJO PANALIGAN