BANGUI (Reuters) – Mahigit 40 katao ang napatay habang marami ang sugatan nang atakihin ang isang Catholic mission na kumukupkop sa mahigit 20,000 refugee sa bansa ng Central Africa.
Nangyari ang pag-atake sa Alindao, isang bayan sa kabiserang Bangui, dahilan upang mapilitang lumikas ang libu-libong tao ng sunugin ang kampo.
“We have counted 42 bodies so far, but we are still searching for others. The camp has been burnt to the ground and people fled into the bush and to other IDP (internally displaced person) camps in the city,” pahayag ni Alindao lawmaker Etienne Godenaha.