MULING naiiba ang pagsalubong ng GMA Network sa nalalapit na pagdiriwang ng Pasko sa pamamagitan ng 2018 Christmas Station ID, pinamagatang “Ipadama Ang Puso ng Pasko,” na may premiere airing ngayong taong sa Sunday Pinasaya.Layong ihatid ang diwa ng pag-ibig, pinagsama-sama ng Kapuso Network ang iba’t ibang komunidad ito sa Pilipinas at sa ibang bansa.

Jessica (DINDO story)

Itatampok sa Christmas campaign ang katangian ng network na hinahangaan ng mga manonood, ang genuine public service na isinasapuso at isinasagawa ng kanilang entertainment at news talents and personalities.

Sinasagisag ang katauhan ng bawat Kapuso sa ilang eksena na nagpapakita ng bayanihan sa paghahanda ng Give-A-Gift: Alay Sa Batang Pinoy Noche Buena packs sa GMA Kapuso Foundation (GMAKF) Operations Center sa pangungunan ng founder at ambassador nitong si Mel Tiangco; pakikilahok ng iba’t ibang mga personalidad sa outreach activities sa mga komunidad na nangangailangan ng kalinga at inspirasyon.

Bretman Rock, ibinida ang Filipina Barbie Doll na likha ng Fil-Am artist

Ang theme song na “Puso ng Pasko” ay inawit ng Kapuso personalities sa pangunguna nina Julie Anne San Jose, Michael V, Alden Richards, Jennylyn Mercado, Tom Rodriguez, Lovi Poe, Christian Bautista, Aicelle Santos, at The Clash Grand Champion Golden Cañedo, sinulat nina Rexy Jolly Conopio at BJ Camaya at nilapatan ng musika’t inareglo ni Ann Figueroa.Panoorin ang premiere airing ng Ipadama Ang Puso ng Pasko: The GMA 2018 Christmas Station ID tampok ang mahigit 800 artists at mga empleyado sa Sunday Pinasaya at ang full version sa GMANetwork.com.

-DINDO BALARES